Game 72: Paradise

35 2 0
                                    

FUMIKO'S POV:

--
NAMANGHA ako sa mala-paraisong beach resort ni Kaizen. Ito ang unang beses na mapadpad ako sa isang beach at literal na laglag ang panga ko.

"Woah! Nasa Pilipinas pa ba tayo?" hindi ko mapigilang bumulalas sa pagkamangha dahil sobrang ganda ng paligid. Mula sa nagtataasanang mga puno ng niyog, puting buhangin, cottage at ilang store na nagkalat sa labas ng beach resort.

"Oo naman. Ang ganda ng resort ni Kaizen no? Ito ang pinupuntahan namin kapag gusto naming maligo kasi bukod sa libre na, safe pa dahil private property ito ni Kaizen," proud na sambit ni Saviel sa akin.

Naglakad kami sa puting buhanginan at para akong naglalakad sa malambot na lupa dahil ang sarap sa pakiramdam ng buhangin sa mga paa ko.

Dala ang ilan naming gamit pamalit at ilang kagamitan ng mga bata, pumunta kami sa main house ng beach resort ni Kaizen at walang atubiling pumasok si Saviel doon kaya naman sumunod kami sa kanya.

Isa-isa naming inilapag sa gitna ng sala ang mga dala namin habang ang mga bata ay hindi mapigilang magtakbuhan sa paligid.

"Hey, kids, huwag kayong magsitakbuhan." saway pa ni Celyn sa mga bata habang inilalapag nito sa tabi ko ang dala niyang bag at karga niya si Sky na anak nila ni Calvin.

"Eh, Tita, we're too excited to go to the beach." ani naman ni Serin.

"I know that but we should rest first and let's cook our food, okay? Later na tayo maligo sa dagat kapag wala ng araw." malumanay na sambit ni Celyn sa bata na tinanguhan naman ni Serin.

Ang cute lang kasi masunurin ang mga bata sa tuwing pinagsasabihan sila ng kanilang mga magulang o ng iba pa.

Pumasok naman si Fourth na merong dalang grilling machine at busangot ang mukha nito dahil kinaladkad lang siya ni Sav kanina mula sa information desk ng HuPoFEL at ginawa namin siyang driver ng van.

"Where should I put this thing?" ani ni Fourth.

"Lagay mo na lang do'n sa kusina, bukas pa naman gagamitin 'yan." utos naman ni Ate Kastiel na agad tinanguhan ni Fourth.

Pasalampak na naupo naman ako sa tabi ni Ernaline at tahimik lang kaming nagmamasid sa paligid katabi si Railene na muling nagbabasa ng libro. Si Angelo naman ay tumutulong kay Fourth sa paglagay ng iba pa naming gamit sa kusina. Nag-grocery din kasi kami ng lulutuin namin mamaya at malamang hindi magkandaugaga sa pag-aasikaso si Sinji dahil siya ang magluluto para sa amin.

"Ready na ba ang swin suit niyo mamaya?" untag ni Ate Iori sa amin bago ito naupo sa single couch habang karga si Retri Haste at iniupo sa kanyang hita ang bata.

"Swim suit? Bakit? Anong meron?" takang-tanong ko.

"Well, we are having a bon fire later and Sav prepare a game for us since someone will took care of our babies while we are enjoying ourselves." aniya.

"Uhm, wala akong dala." sagot naman ni Ernaline na napangiwi pa.

"At bakit? Ayaw mo ring magsuot ng winter clothes sa kasagsagan ng init?" may halong pang-aasar na sambit ni Ate Iori.

Sa pagkakaalala ko, nagkaroon sila ng Christmas Party at nagsuot ang mga babae ng bunny costume at galit na galit ang mga asawa nila kaya pinagsuot sila ng winter clothes hanggang summer except kay Ate Iori.

Ayokong malaman kung ano ang ginagawa nila during those times since I don't want to think something green.

"Hindi sa ganun. Puro stretch mark ang tyan ko at isa pa ayoko namang magsuot ng ganun." sagot naman ni Ernaline.

"Come on Ernaline, solo natin ang lugar na ito." sabat naman ni Ate Kastiel.

"Ikaw ba Fumiko?" baling naman sa akin ni Ate Iori.

Clever GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon