LOREN'S POV..
Panibagong laban na naman ang haharapin ng pamilya namin.
Na kay ano pa yung anak namin, hindi na rin alam anong gagawin ko.
"Manang?" Sabi naman ni AA.
"Bakit?" Tanong ko naman. "May lead na ba kung nasaan sila?" Tanong ko pa ulit.
Umiling naman si AA sa akin, bilang kasagutan nya.
"Wala pa manang, hindi ko na rin alam anong gagawin. Gusto ko na mabigyan ng hustisya si Gail." Sambit naman ni AA.
Napa hinto na lang din ako, at napa salampak sa lapag.
"I'm sorry, I'm sorry ako ang may kasalanan ng lahat ng ito ehhh. Ako yung nag lagay sa kamatayan kay Gail. " Sabi ko naman sa kanya.
"Shh, Manang sorry din kasi lagi kitang inaaway." Sabi naman nya sa akin.
"Shh ano ka ba naman." Sabi ko naman sa kanya.
Ngumiti naman sya sa akin, at pinunasan pa nya ang mga luha nya. Tyaka nya ako niyakap ng mahigpit.
Yumakap din naman ako sa kanya, dahil na mi miss ko yung kapatid ko. Yung AA na close sa akin. Yung ipag tatanggol ako. Yung kapatid ko na hindi ako ija judge.
Simula din kasi ng mamatay sa Gail pati yung pamangkin ko. Hindi na kami ganun ka close ni AA.
"Manang? Sorry kung lagi kitang nasisisi sa mga nangyayari ngayon. Pero nandito pa rin yung sakit eh. Yung galit ko sa'yo, yung iba't ibang emotion at reactions." sambit naman nya sa akin. Habang umiiyak sya, alam kong mahal na mahal nya si Gail.
Alàm kong kasalanan ko pa rin ang lahat lahat.
"Shh, ano ka ba naman. Wag mo akong isipin ading ko. Ang mahalaga kailangan natin ng hustisya sa mga mahal natin sa buhay. Gaya ng pagkamatay ni Gael, ng anak mo. At ng mga taong nadadamay pa." Sabi ko naman sa kanya.
Habang pinupunasan yung mga luha nya. At patuloy ko lang syang yakap yakap.
"Sorry Manang, mahal na mahal na mahal kita Manang. Miss na miss na miss kita." Sambit naman nya sa akin.
"Miss na miss na miss na rin kita mahal kong ading." Sambit ko naman sa kanya.
"Mahal kita Manang, kahit na makulit ka. At matigas ang ulo mo." Sambit naman nya sa akin.
Ay doon na kaming dalawa natawa sa mga sinasabi nya.
Totoo nga naman matigas ulo ko, makulit ako. Kahit na yung bawal na pag ibig ginawa ko na. Para sa sarili kong kaligayahan, kahit na nakakasa sakit na ako.
Lalo na yung kapatid ko, sinaktan ko sya. Hindi lang sya pati yung asawa at anak nya. Nabawasan yung mag dadala ng apelyido namin. Kaya naaawa ako sa kanya, at gagawa ako ng paraan para maka bawi na sa kanya.
>>> TC..
AYAN NA NGAAAA, WHAT'S NEXT MGA MAEM?? ANO NA KAYA ANG MAGAGANAP SA PAG HAHANAP SA ANAK NA NAWALAY. MAHUHULI NA KAYA ANG SALARIN, OH PATULOY PA RIN ANG AWAYAN AT HABULAN...
WAIT NA LANG NATIN AT ABANGAN ANG MGA NEXT GANAPS.. MALAPIT NA ANG KALBARYO NGUNIT MAY MALALAGAS NA NAMAN NA BUHAY.
ABANGANN....
YOU ARE READING
Love Under The Sunset
FanfictionFive Years Gap, What if your childhood friend who treat you as his younger siblings, fell inlove with you 20 years after.
