LOREN'S POV.....
Hindi man lang nakita ni Mark ang daddy nya. Bago mawala, sana nakita niya ang daddy nya.
Nandito pa kasi kami sa Morgue eh, hindi ko pa pinapa galaw yung asawa ko. Ayoko pa kasi eh, hindi ko pa kaya.
Baka kasi magising na sya eh. Baka naman kasi panaginip lang eh. Or baka joke time lang ng asawa ko.
"Ga? Bakit hindi mo manang hinintay si Mark? Please? Gumising ka na." Sambit ko naman sa kanya.
"Sorry manang, sorry." Sambit naman ng kapatid ko.
Tumingin naman ako sa kanya na wala akong emosyon.
"Ganti mo ba ito?" Tanong ko naman sa kanya.
"Anong tanong yan? Alam mong hindi ko gustong mawala ang bayaw ko. Dahil sya lang yung naging kakampi ko. Sya lang yung tumulong sa akin, simula ng mawala yung mag ina ko." saad naman nya sa akin.
"So sinusumbatan mo ba ako? Kahit hindi ako naging mabuting ate sa'yo?" Saad ko naman sa kanya.
"Paano kung sabihin ko sa'yo na oo!" Saad nya pa sa akin.
Nagulat pa ako sa sagot nya sa akin. At doon din ako medyo napahinto. Alam kong hindi pa sya talaga nakaka move on kay Gail. Alam kong tripleng sakit na itong nararamdaman nya.
Kaya huminga na rin muna ako ng malalim. Bago ako muling ng salita.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko naman sa kanya.
"Dahil naging mas kapatid ko pa sya kesa sa'yo. Nagpaka kuya sya sa akin. Dahil hindi ko naramdaman yun sa'yo manang. Yung pag mamahal mo sa akin bilang kapatid mo." Sambit naman nya yun sa akin.
Parang gumuho naman yung mundo ko sa mga naririnig ko sa kanya.
"H-hindi sa ganun, mahal kita AA. Kasi kapatid kita, at simula ng bata pa kayo ni Gary. Ako na yung nag alaga sa inyo. Kaya wag mong isipin na hindi kapatid ang turing ko sa'yo." Sambit ko naman sa kanya.
Habang naiiyak pa ako sa mga nangyayari, at sa mga sinasambit naming dalawa.
"I'm sorry, kung ayun na yung nararamdaman mo. Sana naman intindihin mo rin yung nararamdaman ko." Saad ko naman sa kanya.
"Wow, paano naman ako? Paano ako ngayon, wala na yung mag ina ko. Paano na yung bubuoin kong pamilya." Sambit naman nya sa akin.
"Kaya nga ilang beses ako nag sorry nun eh. Ilang beses akong nagsisisi eh." Sambit ko naman.
"Alam ko naman yun, pinatawad naman na kita kasi eh." Sambit naman nya sa akin.
"Kaya nga nag sorry ako ng paulit ulit eh." Sabi ko naman sa kanya.
"Sana ako rin, patawarin mo na rin ako. Manang ko, hindi ko g-gusto y-yung nangyari kay bayaw." Sabi naman nya sa akin. Habang umiiyak pa sya.
Tyaka ko sya niyakap ng mahigpit, na miss ko yung kapatid ko.
"Shh, it's fine. Nandito ako, nandito ako para sa'yo. Tandaan mo mahal na mahal ka ni Manang ok? Sorry din kung pati ikaw inaaway ko sa pagka wala ng asawa ko. Hindi ko lang kasi maisip na ganun eh, na mawawala sya ng kasama mo." Sambit ko naman sa kanya.
"Maniwala ka sa hindi, manang niligtas lang nya ako. Dapat ako yun eh, dapat kasama ko na ang babaeng mahal ko. Kaya dapat ako yung mawala eh. Hindi si bayaw, kaya sya dapat yung nandito at buhay. Dahil sya may mga anak at asawa pa. Ako wala na, kaya dapat ako yun." Sambit naman nya sa akin.
At tuluyan ng humagulgol, at umiyak ng umiyak. Hindi ko na rin alam anong gagawin ko eh. Naaawa ako sa kapatid ko, kaya yumakap lang ako sa kanya ng mahigpit. Hindi ko na lang din muna sya sinasagot sa mga sinasabi nya.
Na miss ko sya eh, yung mga yakap nya sa akin. Kaya hindi ko na lang muna sya sinasagot ngayon.
Natahimik na lang muna kami saglit ngayon. Para maka usap namin ng mataimtim ang asawa ko.
>>> TC..
TOTOO BANG BATI NA YAN? BAKA MAMAYA AWAY NA NAMAN YAN AY SUMBATAN.
ABANGAN NA LANG ANG MGA NEXT GANAPS TODAY.
AT SA MGA SUSUNOD PANG MAGAGANAP.
YOU ARE READING
Love Under The Sunset
FanfictionFive Years Gap, What if your childhood friend who treat you as his younger siblings, fell inlove with you 20 years after.
