179. AGAW BUHAY

4 1 0
                                        

AA'S POV.....


































































































Nandito na kami sa hospital, nasa E.R na si Lito. Sana ok sya, sana maging ok na sya. Sana bigyan pa sya ng pagkakataon na muling mabuhay.

Saktong dumating naman na si Manang, tyaka ako lumapit sa kanya.

"Nasan yung asawa ko!?" Saad pa nya sa akin.

"N-nasa E.R. manang, ino operahan sya ng mga doctor. Tatlong tama ng bala yung nasa katawan nya. Isa sa tagiliran, isa sa may balikat at isa sa may dibdib." Sagot ko naman sa kanya.

"Diba, sinabihan na kayo, na wag kayong susugod. Ano may napala ba kayo, diba Wala!? Hindi nyo nakuha yung anak ko. Ngayon yung asawa ko nag aagaw buhay?" Sambit naman ni Manang.

"Sorry Manang, I'm sorry." Sabi ko naman sa kanya.

"Sorry? Diba sinabi ko naman sa'yo. Na wag nang sumugod? Hindi naman ninyo nabawi si Mark eh. Tapos ayun yung asawa ko, nag aagaw buhay na." Saad pa nya sa akin.

"Oo na, kasalanan ko na I'm sorry diba. Hindi ko naman gusto na mangyari sa kanya ito eh." Sabi ko naman sa kanya.

"Ginagantihan mo ba ako?" Saad at tanong naman nya sa akin.

"Hindi Manang, hindi ako gumaganti. Niligtas nya ako manang, dapat ako yung papatayin ni Noli. Hinarang ni bayaw yung pagkaka baril sa akin." Sagot ko naman. Habang naiiyak ako, at halos duguan na yung mga kamay ko.

"Pag may nangyaring masama sa asawa ko. AA, tandaan mo kung paano mo ako tinakwil. Ganun din gagawin ko sa'yo." Sambit naman nya sa akin.

Habang naiiyak pa sya, at natulo ang mga luha nya.
Hinihintay naman namin yung mga nurse at doctor na dumating.

Mga nag mamadali pa yung iba sa kanila.
Hindi ko na alam anong nangyayari.

"Nurse? Si bayaw po kumusta po?" Tanong ko naman.

Habang naluluha pa ako, kasi baka magalit sa akin si manang.
Kasi sinugod namin yung kabit nya.

"Pasensya na po, may operations pa po na ginagawa po. Si doc na po mag sasabi po nun po." Sabi naman nung isang nurse.

"Sige po, gawin nyo pong lahat ah? Pagalingin nyo si Bayaw, please po." Sambit ko naman.

"Opo sir." Sabi naman nung nurse. Tyaka muling pumasok sa loob ng operating room.

Tumango na lang din ako sa kanya. Bilang kasagutan ko sa kanya.

"Kasalanan mo kasi ito eh. Kung hindi kayo nag punta doon, at sumugod. Hindi sana magiging ganito." Sabi naman nya sa akin.

"Bakit? Sa tingin mo gusto ko yung nangyayari ngayon? Manang, alalahanin mo, ikaw ang unang nag loko. Ikaw ang unang nag pahamak sa mga buhay namin." Sabi ko naman sa kanya. At doon na namuo ang mga luha ko. "At ikaw din ang dahilan kung bakit namatay yung mag ina ko!" Sigaw ko pa sa kanya.

"Bastos ka ha? Hindi mo na ako ginalang. Ilang buwan kong tiniis na hindi mo ako kausapin. Tapos ngayon babastusin mo na lang din ako?" Saad naman nya sa akin.

At nasampal pa nya ako ng pagka lutong lutong.

"Paano ka gagalaingin, kung yung sarili mong pagka babae hindi mo rin ginalang. Manang, may asawa at mga anak ka na. Sana naman inisip mo si Gail. Sana inisip mo na may AA na nag hihintay sa kanya. Lalo na sa anak nila, sana yun na lang eh." Saad ko naman sa kanya.

At doon na ako muling humagulgol na halos hindi ko na rin nakikita yung mga nasa paligid ko.

"Hindi naman na yun, yung sapat na dahilan para gumanti ka kay Noli eh." Sambit pa nya sa akin.

"Mahal mo pa ba sya?" Tanong ko naman sa kanya.

"anong klaseng tanong yan!?" Tanong naman nya sa akin.

"Tignan mo hindi mo masagot, bakit hindi kami pwedeng mag punta doon??" tanong ko pa ulit.

"Tigilan mo nga ako sa mga tanong mo na ganyan." sambit naman nya sa akin.

"Sumagot ka manang!? Hindi pwedeng itatanong mo pa yung itatanong ko." Saad ko naman sa kanya.

Bigla namang lumabas yung doctor. At doon kami nagulat ni manang.

Naka ano pa yung mga doctor at nurse. Parang malungkot din silang lahat.

"sir and ma'am? Kayo po ba yung pamilya nung pasyente?" Tanong naman ni doc.

Tumango naman kami parehas ni manang.
Bilang aming mga kasagutan.

"Kami nga po." Sambit naman ni manang.

Huminga naman ng malalim yung doctor.

"Tatapatin na namin kayo sir and ma'am. Maaaring yung heartbeat or yung brain cells na lang po yung gagana sa pasyente. At life support na lang din po ang nasa kanya po." Sambit naman ni doc.

"G-ganun po?" Tanong naman ni manang.

Tumingin naman sa akin si manang. Hindi na lang din ako tumingin sa kanya.
Parang tama sya, kasalanan ko nga. Pero sana nararamdaman din nya yung nararamdaman ko.














































~~~~~~~~~~~~~~~~~





















































LOREN'S POV....























































Nasa ward naman na kami ni Lito. Naka life support na rin yung asawa ko. Hindi ko alam kung bakit baka kasi nabalik na naman yung nangyari sa kanya. Nagka brain hemorrhage kasi sya nung na coma sya.

"Pagaling ka na ha? Nandito na ako, miss na kita langga." sambit ko naman sa kanya. "Hinihintay na kita, ng mga bata." sambit ko pa ulit sa kanya.

"Pasensya ka na bayaw." Sambit naman ni AA.

Alam kong malaki yung pinag dadaanan nya, lalo na at wala na mga si Gael. Pero mali pa rin yung sinugod nila si Noli, kaya hindi pa rin namin nakukuha si Mark.












































































































>>> TC...

AYAN NA NGA, ANO NA KAYA MANGYAYARI SA PAPI NA YAN?

ABANGAN MAMAYA...

Love Under The SunsetWhere stories live. Discover now