SPECIAL CHAP 1.3

967 54 15
                                    

Nang dahil sa nangyari, nagkaroon ng malaking tampuhan sa pagitan ng mag-asawang sina Faye at Yoko. Sa halip na manatili sa kanilang kwarto, mas pinili ni Faye na maglagi sa library, tila mas gusto niyang ilaan ang kanyang oras sa pagbabasa at pagtahimik upang hindi mas lalo pang lumala ang kanilang alitan.


Samantala, abala naman ang mga bata sa kanilang mini library. Habang nag-aaral, biglang nahulog ang isang libro mula sa kamay ni Francheska, at napansin niya ang isang papel na lumabas mula rito. Agad niya itong pinulot at binasa ang nakasulat.


“Kuya, anong date na ngayon?” 

tanong ni Cheska sa kanyang kuya na nakatuon din sa pag-aaral.

“24” 

sagot ni Franco nang hindi iniaangat ang tingin mula sa kanyang libro.

Nanlaki ang mga mata ni Cheska dahil 25 ang nakasaad sa papel na hawak niya. Tila may bumagabag sa kanyang isipan.

“Cheska, saan ka pupunta? Hindi mo pa natatapos ‘yan”

 tawag ni Franco nang makita niyang tumayo ang kapatid.

“Wait lang” 

sagot ni Cheska bago dali-daling lumabas ng silid at nagtungo sa library ng kanilang Dada. Nang makarating sa harap ng pintuan, nagdalawang-isip siyang kumatok, ngunit matapos ang isang malalim na buntong-hininga, kumatok din siya.

“Pasok”

 rinig niya mula sa loob. Agad siyang ngumiti at pinihit ang door knob.

“Dada”

mahina at nahihiyang tawag ni Cheska nang pumasok siya.

“Cheska” 

sagot ni Faye, ngunit hindi inialis ang tingin sa mga papel na hawak.

“Ahmmm... May laro po ako bukas, and I want to invite you to watch”

sabi ni Cheska, umaasang sasama ang Dada niya.

“I’m sorry, baby, pero may appointment na ako bukas. Ask your Mama na lang”

 sagot ni Faye nang hindi man lang tumingin kay Cheska. Napayuko si Cheska sa sagot ng Dada niya. Kahit masakit, naintindihan niyang busy ito.

“Okey po. Hanggang 8 pa naman po ‘yung laro. Eto po ang invitation card, baka lang makahabol kayo”

sagot niya bago iniwan ang card sa center table. Tahimik siyang lumabas ng library, ngunit nang paglabas niya, nagliwanag ang kanyang mukha nang makita ang kanyang Mama na paakyat ng hagdan.

“Ma!” 

masiglang tawag niya.

“Shh… baby, I’m talking to someone” 

sagot ni Yoko habang abala sa telepono.

“Okay po.” 

Sinundan niya ang Mama niya hanggang matapos ito sa tawag.

“What is it, baby?” 

tanong ni Yoko pagkatapos ibaba ang telepono.

“May game po ako bukas, and I want you to be there”

sagot ni Cheska, puno ng pag-asa.

“Tomorrow?” 

Napakamot ng kilay si Yoko habang tinitingnan ang kanyang schedule.

QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon