My Querencia

1.2K 57 17
                                    

Nagkakagulo na ngayon sa firm ni Faye dahil sa kaguluhan na dala ng mag-asawang Kwong. Ang tensyon ay nararamdaman mula sa bawat sulok ng opisina, habang ang mga empleyado ay halatang aligaga at hindi alam kung paano haharapin ang sitwasyon. Ilang minuto pa ang lumipas, dumating na si Faye. Nakasalubong niya ang iba pa niyang mga kapatid ng papasok sa firm, ang kanilang presensya ay parang nagbigay ng bahagyang kapanatagan sa mga empleyado. Ngunit ang gulo ay tila hindi mapipigilan.


“Bakit nandito kayo?” 

tanong ni Faye sa mga kapatid niya, bakas sa boses niya ang pag-aalala.

“Kalat na kalat ngayon sa social media ang ginagawa ng mga biyenan mong hilaw sa firm mo”

sagot ng isa sa kanyang mga kapatid, hawak ang cellphone na nagpapakita ng mga viral na video ng iskandalo sa opisina.


“What?!” 


Agad na nainis si Faye, ang galit niya ay unti-unting sumiklab. 

“They really want to ruin my reputation.”


Hindi na nag-aksaya ng oras si Faye. Agad silang pumasok sa loob ng firm, at doon nila nadatnan ang mag-asawang Kwong na nagdudulot ng gulo sa reception desk. Ang ina ni Ling ay tila walang pakialam sa ginagawang iskandalo at patuloy sa pagtaas ng boses.


“What’s going on here?” 


tanong ni Faye nang makaharap niya ang mag-asawa.

“Mabuti naman at nandito ka na”


saad ng ina ni Ling, nakangiti ngunit halatang may ibang motibo. Tinitigan siya ni Faye nang seryoso, pinipilit panatilihin ang kanyang composure sa kabila ng galit.


“If you want to talk, we can talk privately in my office” 

ani Faye, sinusubukan maging propesyonal sa sitwasyon. Ngunit hindi nagpatinag ang babae. Lumapit ito kay Faye at sumagot nang may mapanuksong ngiti,


“Let’s just talk here para malaman ng buong tao – I mean, buong bansa – na ang firm na ito ay parte na ng Kwong’s firm.”


Nagtaka si Faye sa sinabi ng babae. 

“What do you mean?” 

tanong niya, ngunit halatang kinakabahan na sa kilos ng biyenan. Ngumiti nang malapad ang ina ni Ling, saka bumunot ng papel mula sa bag nito.

 “This is your sign, right?”


tanong nito habang ipinapakita ang dokumentong may pirma ni Faye. Nanlaki ang mata ni Faye nang makita ang papel. 



“Yes, and?”



“Nakasaad dito sa kontrata na isinuko mo ang firm na ito sa pangangalaga namin. Ibig sabihin, ang firm na ito ay tuluyan nang amin.”



Nagulat ang mga empleyado ni Faye, at naging usap-usapan na sa buong opisina ang narinig nilang pahayag. Agad namang sumagi sa isip ni Faye ang mga papeles na pinapirmahan sa kanya ni Ling noon.


“Bullshit!” 


bulalas niya sa sarili niya, bakas ang galit at pagsisisi.


“Accept your bitter defeat, Rodriguez” 


saad ng babae sabay tawa nang malakas na parang nagdiriwang ng tagumpay. Bigla namang sumulpot si Ling mula sa kung saan at agad na lumapit sa ina niya. 

QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon