SPECIAL CHAP 1

651 44 5
                                    

Faye's POV



I'm heading to the school of our kids right now. Wala kasi yung driver nila dahil may sakit ito, kaya ako muna ang susundo sa kanila ngayon.

Time flies so fast talaga. It’s been 13 years since Yoko and I got together, and now we have four kids. Yanna is no longer an only child; she’s now the eldest sister to Franco (13 y/o), Yohan (11 y/o), and Francheska (9 y/o). Sobrang saya ng pamilya namin pero grabe rin ang gulo sa bahay ngayon dahil sa kanila. Dagdag mo pa ang mga anak ng mga kapatid ko, parang may mini daycare na sa mansion. Jusmeyo, Marimar, sakit sa ulo minsan. Ayaw kasi ni papa na magbukod na kami dahi gusto niyang parating nakikita ang mga apo niya. 



Cha and Fa have two kids, Francis (11 y/o) and Caitlin (9 y/o).


Prom and Lux, on the other hand, have three kids: Lucio (13 y/o), Liam (10 y/o), and Paris (7 y/o).


Jennie and Lisa have two daughters: Jazlyn (13 y/o) and Lilian (10 y/o).


Meanwhile, Freen and Becky only have one child, their little Rose (4 y/o).


As I park my car, I’m relieved na may bakanteng space pa.


“Good morning, Atty.” 

bati ng guard nang bumaba ako ng sasakyan. I smiled and nodded at him before heading inside.

“Dada!”

Napalingon ako sa maliit na boses na tumatawag sakin. Tumakbo si Francheska, ang bunso namin, papalapit sa akin.

“Where are your ate and kuyas?” 

tanong ko habang hawak ang kamay niya.Kumibit-balikat lang siya at naglakad na kami papasok ng school nila.

“Dada!”

Narinig ko ulit ang tawag nina Yohan at Franco. Pagkakita nila sa akin, mabilis silang lumapit. Ngunit napansin ko si Yanna na nakaupo sa gilid at nakayuko, tila may itinatago.


“Yanna?”

 tawag ko sa kanya, ngunit hindi siya sumagot o tumingin sa akin.Napansin ko rin ang nagkakatinginan sina Franco at Yohan.

“What happened to your ate?”

 tanong ko ulit, this time mas seryoso.

“Ahmm...”

 nagsimulang magsalita si Franco pero bigla siyang tinakpan ni Yohan ng kamay.

“YANNA”

 tawag ko sa kanya ulit, mas matigas na ang boses ko. Dahan-dahan niyang inangat ang ulo niya, and that’s when I saw her lower lip—may sugat.

“Shit… what happened to you?”

Agad ko siyang nilapitan, ininspeksyon ko kung may iba pang sugat siya sa katawan.

“Nasiko ako ng kalaban ko” 

sagot niya, umiwas ng tingin.

“Patay tayo niyan sa nanay mo” 

bulong ko sa sarili ko habang napakamot sa kilay. Alam kong ayaw na ayaw ni Yoko na nasasaktan ang mga bata, kahit na maliit lang na galos.

“Let’s go home”

 sabi ko, hila-hila ang tatlo kong anak habang iniisip kung paano ko sasabihin kay Yoko ang nangyari. 

Sa loob ng sasakyan, tahimik ang lahat. Si Yanna, nakatingin sa bintana, samantalang ang dalawang lalaki ay nagkakatinginan sa likod. Si Francheska naman, masaya lang na kumakanta ng sarili niyang tune.


QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon