Nakarating sa park si yanna sa kakatakbo. Hiningal naman sita kaya napagdsisyunan niya na magpahinga muna sa isang bench. habang nakaupo sa bench, tahimik na nakatitig si Yanna sa kawalan. Napagod na siya sa kakatakbo, ngunit mas mabigat ang nararamdaman niyang lungkot at galit. Hindi niya napansin ang babaeng papalapit sa kanya hanggang sa magsalita ito.
“Are you okay?
tanong ng babae.
Tumingin si Yanna ngunit agad ding umiwas.
“I don’t talk to strangers.”
“Sungit naman nito”
tugon ng babae sabay ngiti.
“I’m Isabela.”
“Anong kailangan mo?”
malamig na tanong ni Yanna.
“Wala. I just want to accompany you. Mukha kasing may problema ka”
sagot ni Isabela at umupo sa tabi niya. Dinukot nito ang panyo sa bulsa at inabot kay Yanna.
“Wipe your tears. Baka sabihin nila na pinapaiyak kita.”
Nagdalawang-isip si Yanna pero kinuha rin ang panyo. Tahimik na pinunasan niya ang kanyang mga luha.
“Sino nga pala ang tinatakbuhan mo? May humahabol ba sa’yo?”
tanong ni Isabela na puno ng curiosidad.
“Wala ka ng pakialam don”
sagot ni Yanna nang malamig.
“Come on, I’m being nice here”
sabi ni Isabela na tila nagtatampo.
“So?”
baling ni Yanna.
“Ikaw na nga tong tinutulungan, ikaw pa tong masungit”
Bulong ni isabela sa sarili niya. Binalot ng katahimikan ang dalawa hanggang sa may isang babae na lumapit.
“Isabela, kanina ka pa hinahanap ni Itay mo”
sabi ng bagong dating.
“Paano ba yan” sabi ni Isabela habang tumayo. “Iiwan na kita rito. Mukhang ayaw mo naman ng tulong.”
“Hey”
tawag ni Yanna.
“Hmm?”
tanong ni Isabela habang huminto at tumingin pabalik.
“Favor naman oh”
“Ano yun?”
“Malayo ba ang bahay niyo? Pwede bang makiinom? Naiwan ko kasi yung wallet ko sa kotse”
paliwanag ni Yanna.Napangiti si Isabela.
“Sige, halika.”
Hinawakan nito ang kamay ni Yanna at sinimulang gabayan ito papunta sa bahay nila.
Habang naglalakad, dumaan sila sa isang maliit na eskinita kung saan merong iilang lalaki ang naglalaro ng baraha.
“Mang Kerk, nakatodas na ba?”
tanong ni Isabela sa lalaki.
“Hindi pa, Isa. Baka ngayon pa lang,”
sagot nito habang tumatawa.
BINABASA MO ANG
QUERENCIA
RandomThis is a story of Garcia and Rodriguez Sisters. Cast : Faye x yoko Engfa x Charlotte Lux x prom Lisa x jennie Freen x becky