Hating gabi na, pero tuloy pa rin ako sa pagtatrabaho. Last na lang ito, at uuwi na rin ako. Gusto ko lang talagang magpalipas ng oras para pag-uwi ko, tulog na ang lahat.
"Thank God!"
bulong ko habang iniunat ang likod at braso ko. Wala na akong problemahin bukas. Ayos na ang lahat ng kaso ko, at ang kailangan ko na lang ay maghanda para sa hiring sa susunod na araw.
Tok... tok... tok…
"Atty., hindi pa po ba kayo uuwi?"
tanong ni Manong Guard mula sa pinto.
"I'm about to leave na rin, Manong”
sagot ko.
"Ah, sige po"
ani niya bago tumalikod at umalis. Kinuha ko ang phone at bag ko, at tuluyan nang nilisan ang opisina. Mabilis lang ang biyahe pauwi dahil walang masyadong sasakyan sa kalsada. Pagdating sa mansion, dumiretso na ako sa itaas habang iniikot ang leeg kong naninigas sa pagod.
Bago ako pumasok sa kwarto namin ni Ling, sumilip muna ako sa kabilang kwarto para tingnan ang mag-ina ko. Napangiti ako nang makita silang mahimbing na natutulog. Kahit papaano, nawala ang pagod ko. Sila ang dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban.
"Faye, mabuti naman at nakauwi ka na”
saad ni Ling pagpasok ko sa kwarto namin. Yung ngiti na dala ko mula sa kabilang kwarto, agad napalitan ng malamig na ekspresyon.
"Bakit gising ka pa?"
malamig kong tanong.
"Yung nakita mo kanina"
sagot niya, halatang may kaba sa boses. Para siyang akusado sa harap ng hukom.
"Okay,"
sagot ko, maikli at walang emosyon.
"Pwede bang kalimutan na lang natin ang nangyari?"
tanong niya, halatang nagmamakaawa. Nilapag ko ang bag ko sa mesa at hinarap siya.
"Kalimutan?"
"Let’s pretend like nothing happened"
sabi niya, halatang desperado.
"Ano ako, tanga?"
sagot ko, ang tono ko malamig pa rin.
"Faye"
lumapit siya at hinawakan ang kamay ko, pero agad ko itong inalis.
"I already have here the annulment papers. Kailangan mo na lang itong pirmahan. Wag kang mag-alala, ipapalabas nating baog ako kaya nagdesisyon kang makipaghiwalay."
"Hon, don’t do this, please"
pakiusap niya, halatang desperado.
"I’m sorry, but I need to."
"Okay, I’ll sign the papers. But first, can you sign this?"
Tanong niya habang may inilalabas na mga papeles mula sa bag niya.
"Ano to?"
tanong ko habang tinitingnan ang dokumento.
"Just a contract na nagsasaad ng partnership ng firm natin."
![](https://img.wattpad.com/cover/371882566-288-k478523.jpg)
BINABASA MO ANG
QUERENCIA
RandomThis is a story of Garcia and Rodriguez Sisters. Cast : Faye x yoko Engfa x Charlotte Lux x prom Lisa x jennie Freen x becky