Yoko pov
Alas 11 na ng gabi, at papasok pa lang ng compound ang taxi na sinasakyan ko. Sa kabila ng pagod, iniisip ko pa rin ang plano namin ni Yanna bukas. Gusto kong tuparin ang pangako ko sa kanya na gagala kaming dalawa. Dahil nitong mga nakaraang araw ay tambak ang trabaho sa firm kaya wala akong time sa kanya. Ngunit nang makita ko ang kotse ni Ling na palabas ng gate, napakunot ang noo ko.
"Gabi na ah. Saan kaya pupunta 'to?"
tanong ko sa sarili. Hindi ko napigilan ang sarili ko at agad na nag pasiya.
"Manong, sundan po natin 'yung kotse"
utos ko sa driver ng taxi na sinakyan ko pauwi. Hanggang ngayon kasi wala parin ang driver ko kaya taxi muna ang sinasakyan ko. Tahimik lang naman siyang tumango at sinunod ang hiling ko.
Ilang minuto pa ang lumipas at tumigil ang kotse ni Ling sa harap ng isang motel. Napaawang ang bibig ko sa nakita ko.
"Manong, magkano po lahat?"
tanong ko sa driver ng taxi na may halong pagmamadali.
"400 po,"
sagot niya. Kumuha ako ng limang daan mula sa bag ko at iniabot ito sa kanya.
"Keep the change na lang po,"
maikli kong sabi. Napatingin siya sa akin nang bahagya pero hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad akong bumaba.
Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan ng litrato ang facade ng motel. Hindi ko alam kung para saan, pero pakiramdam ko kailangan ko itong gawin—isang ebidensya, kung sakali man. Nakita kong pumasok na si Ling sa loob, kaya sinubukan ko siyang sundan.
"Hi, miss. Pwede po bang malaman kung anong room ang kinuha nila?"
tanong ko sa receptionist, pilit na pinapakalma ang boses ko. Napatingin siya sa akin, halatang nag-aalangan.
"I'm sorry po, ma'am, pero hindi po pwede,"
sagot niya nang pormal. Napabuntong-hininga na lang ako at umupo sa waiting area malapit sa reception. Nanlaki naman ang mga mata ko ng makita ko ang tao na hindi ko inaasahang makita rito.
Ff
Pagdating ko sa mansion, pakiramdam ko’y mabigat ang bawat hakbang. Parang paulit-ulit sa isip ko ang mga eksenang nasaksihan ko kanina—si Ling, ang motel, at ang taong hindi ko inaasahang makita roon.
Pagbukas ko ng pinto, sinalubong ako ng malamlam na liwanag mula sa mga ilaw sa sala. Nakita ko si Ate Cha na nakaupo sa sofa, hawak ang isang baso ng gatas.
"Yo? Gabi na, bakit ngayon ka lang?"
tanong niya habang nakatingin sa akin nang may bahagyang pagtataka.
"Ah, may tinapos lang sa firm"
"Masyado mo naman atang pinapagod ang sarili mo"
sabi niya na may halong pag-aalala.
"Nga pala, si Engfa, asan?"
tanong ko bigla
"May kailangan ka sa kanya?"
tanong niya pabalik, halatang nagtataka sa bigla kong tanong.
![](https://img.wattpad.com/cover/371882566-288-k478523.jpg)
BINABASA MO ANG
QUERENCIA
RandomThis is a story of Garcia and Rodriguez Sisters. Cast : Faye x yoko Engfa x Charlotte Lux x prom Lisa x jennie Freen x becky