ALAALA

785 40 6
                                    

Yoko pov 

Pagkapasok ko pa lang sa mansion, ramdam ko agad ang ginhawa. Matapos ang mahabang araw sa firm, sa wakas ay narito na ako sa tahanan na nagbibigay ng kaunting pahinga at kasiyahan. Sa sala, rinig ko ang tawanan nina Faye at ng mga kapatid niya.


“Mama!!”


Sigaw ni Yanna habang mabilis na tumakbo papunta sa akin. Napangiti ako, lahat ng pagod ko ay biglang nawala. Siya talaga ang nagbibigay ng lakas sa bawat araw ko. Binuhat ko siya at marahang hinagkan.


“Yo, nandyan ka na pala”

sabi ni Lux, napako naman ang atensyo nila sakin kaya nginitian ko lang ang mga ito. 

"Pinapatawag na po kayong lahat ni Don Alfonso para kumain"


sabi ng isang katulong na biglang sumulpot. Agad namang tumayo ang lahat, bitbit ang kanilang kasiyahan, at sumunod sa utos.


Habang papunta kami sa dining area, napansin ko ang sugat sa pisngi ni Faye. Lumapit ako sa kanya at tinanong siya. 


 “Anong nangyari sa pisngi mo?”


Ngumiti lang siya, pero pilit niyang iniwas ang mukha niya sa akin. 

“I’m asking you, Rodriguez, anong nangyari sa pisngi mo?”

“Wala, daplis lang yan,” 

sagot niya, pero hindi ako kumbinsido.

“Daplis ng?”


tanong ko muli, ang kilay ko’y bahagyang nakataas.



“Naglalaro kasi kami kanina sa garden. Na-out balance ako, kaya ayun, nasugatan ako sa tinik ng halaman”


 sagot niya na para bang rehearsed ang kwento.


Napatitig ako sa sugat niya. Diretso ang hiwa—walang halatang gawa ng tinik ng halaman. 


"Abogado ka nga talaga, magaling kang magsinungaling. “Halaman? Kailan pa nagkatinik ang mga halaman dito?”


sabi ko habang hinugot ang band-aid mula sa bag ko.

“Ano yan?” 

tanong niya nang makita ang hawak ko.


“Band-aid,”

 sagot ko.


“Wag na,” 

mabilis niyang tanggi, pero alam kong hindi siya makakaiwas sa akin.


“Hindi ako sanay na makita kang may sugat sa mukha, kaya LAPIT”


madiin kong sabi.


“Tsk!” 


marahang reklamo niya, pero lumapit din siya sa akin. Maingat kong inilagay ang band-aid sa sugat niya, marahang iniiwas ang buhok sa kanyang pisngi.



“Mama, dada, I’m hungry” 


biglang sabi ni Yanna. Napatigil ako. Oo nga pala, may kasama nga pala kaming bata. Binuhat siya ni Faye, pero nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. Napalingon ako sa paligid, nag-aalala na baka makita kami ni Ling.


“Where is Ling?” 


tanong ni Tito Alfonso bigla, ang boses niya ay puno ng awtoridad. Napatingin ako kay Faye, pero halatang wala siyang balak sagutin ang tanong.



QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon