BOLD

426 17 1
                                    

Faye pov 








Nandito ako ngayon sa office, may kausap na naman akong bagong kliyente. Isang kaso na naman ang hahawakan ko, at tila malaki ang tiwala niya sa akin.








“Aasahan ko ang magandang serbisyo mo, Atty.”







 saad niya, may halong kumpiyansa sa tono ng boses niya.






“Makakaasa po kayo” 






sagot ko naman sabay ngiti, na bihasa ko nang gawin sa lahat ng kliyente ko. Tumayo ako at inayos ang blazer ko bago siya ihatid palabas ng office. Nang magpaalam siya, tinanguan ko siya ng magalang.






“Paano, mauna na ako” 






sabi niya bago tuluyang pumasok sa elevator. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang magsara ang pinto nito.






Pagbalik ko sa office, nandoon si Yoko, nakasandal sa mesa ko, hawak-hawak ang tablet niya.





“May pumasok na 15 million sa account mo. Ang laki naman ata. Galing ba yun sa kanya?” 






tanong niya, sabay taas ng kilay. Napacross-arm ako at napasandal sa pintuan, pinagmasdan siya nang matagal bago sumagot. 






“That was just a partial payment.”







“partial what?”






tanong niya, halatang hindi makapaniwala. Halos mahulog pa ang tablet niya. Natatawa na lang ako ngayon sa reaksiyon niya. 







“I know you heard me, kaya hindi ko na uulitin pa ang sinabi ko.”








“Bakit gano’n kalaki?”







“kasi malaki rin ang pinapagawa niya” 








Saad ko sabay kibit balikat sa kanya. Yung mga titig niya sakin ngayon ay mapanghusga. Para naman niya akong hinahatulan ng death penalty. 







“Pwede ka ng maging judge dyan sa titig mo”






“ikaw, bakit hindi ka na lang maging judge total marami ka naman ng kaso na napanalo sapat naman na siguro yun para maging judge ka” 







Napangiti naman ako sa sinabi niya. Being a judge is not my thing. 







“Judge? Alam mo ba kung magkano lang ang sweldo ng mga judge? Tumatanggap lang sila ng mahigit 100k every month while me million agad in just 10 minutes na pag uusap lang” 






“100k is enough naman na” 






“Not for me. Ayukong ilaan ang bawat minuto na sinakripisyo ko sa pag aaral ng law para lang sa 100k. I know my value kaya hindi ko deserve ang 100k per month. 







Natigil ang paguusap namin ng biglang tumunog ang phone ko. Nag text pala ang ama ni Ling, nagpapaalala na magkikita kami para mag-lunch.






Kinuha ko ang phone at dinial ang number ni Ling. Ilang ring na ang lumipas, pero hindi siya sumasagot. Nagtataka ako. Hindi naman siya usually ganito.







"Hindi muna ako makakasabay sayo sa lunch dahil meron na akong appointment"




 

QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon