SPECIAL CHAP . 0

568 36 16
                                    

Faye's POV


Gabi na, at nandito ako ngayon sa pool area mag-isa. May hawak akong baso ng alak, at tanging ang malamig na simoy ng hangin ang kasama ko. I just want to think. Ang tahimik kasi dito, at ang ganda ng vibe, kaya dito ko napagpasyahang tumambay.


“Ang lalim ng iniisip mo ah”

biglang may boses na sumira sa katahimikan ko. Napapikit ako at napabuntong-hininga.


"I'm just thinking about something"


sagot ko habang iniinom ang alak sa baso ko.


“Baka naman may maitutulong ako”

alok niya.

“Nah... I can handle this”

sagot ko, pilit na ngumiti.


“Are you sure?”

tanong niya ulit. Humarap ako kay Lux at tumango, sabay taas ng hawak kong baso.


“Oi, ano yang pinag-uusapan niyo?”


biglang sumulpot si Lisa at Freen, sabay lapit sa amin.



“Wala”

sagot ko agad, pero halata sa mga mukha nila na ayaw nilang maniwala.


“Sus... parang hindi niyo kami kapatid, ah,

sabi ni Lisa na kunwaring nagtampo.

“Tanga, wala nga”

singit ni Lux, pero mukhang ayaw pa ring paawat ng dalawa. Tuluyan nang nauwi sa sagutan ang usapan.

“Ang ingay niyo!”

sigaw ko, hindi na nakapagpigil.

“Gusto niyo malaman ang totoo? Fine! I want to file an annulment.”

Biglang natahimik silang tatlo. Pare-pareho silang napatingin sa akin, halatang nagulat sa narinig nila.

“You want what?”

tanong ni Lisa, kita ang gulat sa boses niya.

“Hindi na ako masaya sa pagsasama namin ni Yoko. Kaya napag-isip-isip ko na mag-file ng annulment”

sagot ko, diretso at walang pag-aalinlangan.

Tahimik pa rin silang tatlo, mukhang hindi pa rin makapaniwala sa sinabi ko. Alam kong mahirap itong sabihin, pero wala na akong balak itago pa. This is the truth, and I have to face it.

QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon