3rd person pov
Malapit nang magmadaling araw nang biglang nakaramdam ng pagkauhaw si Engfa. Bumangon siya mula sa kama, inayos ang kumot, at tahimik na lumabas ng kwarto nila upang kumuha ng tubig sa kusina. Bababa na sana siya ng hagdan nang mapansin niya ang isang anino na dumaan mula sa kwarto nina Yoko.
“Manang?”
pagtawag ni Engfa, bahagyang nilakasan ang boses upang marinig siya ng nasa dulo ng pasilyo.Halatang nagulat ang matanda, bahagya itong napalingon kay Engfa.
“Engfa...”
balisang sagot ng matanda, ang hawak nito ay pilit itinatago sa likod ng katawan.
“Anong ginagawa niyo sa kwarto nina Yoko?”
tanong ni Engfa, nakakunot ang noo, habang pababa ng hagdan.
Pinagpawisan nang malamig si Manang. Hindi niya agad naisip ang tamang isasagot, kaya’t mabilis siyang nagsalita, pilit na pinapakalma ang tinig.
“Hinanap ko kasi si Faye,”
sagot nito, iniiwas ang mga mata ni Engfa.
“Gusto ko sanang ibigay itong gamot sa kanya. Pero mukhang tulog na tulog na siya kaya hindi ko na lang siya inistorbo.”
Pinakita ni manang ang hawak niya na maliit na bote ng gamot kay Engfa. Napakunot muli ang noo ni Engfa, pero tila kumbinsido siya sa sinabi ng matanda. Wala naman siyang nakikitang dahilan para magsinungaling ito.
“Ikaw, bakit gising ka pa?”
tanong naman ni Manang.
“Nauuhaw po kasi ako kaya gusto ko sanang kumuha ng tubig sa baba”
sagot ni Engfa, kaswal na ngumiti upang pakalmahin ang matanda.
“Ako na ang kukuha ng tubig mo,”
alok ni Manang halatang gustong umalis na sa sitwasyon.
“Ano bang gusto mo, malamig o maligamgam?”
“Malamig na lang po,”
sagot ni Engfa.
“Sige, dadalhin ko na lang sa kwarto niyo”
sagot ni Manang bago mabilis na bumaba ng hagdan, ang palad nito ay mahigpit na nakapulupot pa rin sa hawak na gamot.
“Salamat po”
sabi ni Engfa bago bumalik sa kwarto nila, pero hindi na niya napigilan ang pag-usisa sa isipan niya tungkol sa kakaibang kilos ni Manang.
Faye POV
Nauna akong nagising kina Yoko at Yanna. Dumilat ako at dahan-dahang inalis ang kamay ni Yanna na nakapulupot sa tiyan ko. Ngumiti ako at bahagya siyang hinalikan sa noo bago tuluyang tumayo mula sa kama.
Tahimik akong lumabas ng kwarto, nilingon ko muna sina Yanna at Yoko upang siguraduhing mahimbing pa rin ang tulog nila. Dumiretso ako sa kwarto namin ni Ling at laking gulat ko na wala siya rito.
“Hon…”
Hindi ko siya nilingon nang tawagin niya ako. Nanatili akong nakaharap sa salamin, abala sa paghubad ng suot kong shirt na may bahid pa ng alikabok at dugo mula sa mga galos ko sa likod.
“Saan ka galing?”
Kalmado ang tono ko, pero alam kong ramdam niya ang tensyon. Sa bawat salitang binibitawan ko, tila ba mas lumalalim ang katahimikan sa pagitan namin.
BINABASA MO ANG
QUERENCIA
RandomThis is a story of Garcia and Rodriguez Sisters. Cast : Faye x yoko Engfa x Charlotte Lux x prom Lisa x jennie Freen x becky