PUNISHMENT

764 54 17
                                    





Galit na galit ngayon si Alfonso habang pinapanood ang video nina Faye at Ling sa kanyang iPad. Napahigpit ang hawak niya dito, halos maputol ang daliri sa diin, at napahilamos siya ng mukha habang pilit na inaawat ang poot na unti-unting naglalagablab sa kanyang dibdib.



"Pa..."


 mahinang pagtawag ni Faye nang makalapit siya sa ama. isang malakas na suntok sa sikmura ang sumalubong sa kanya, dahilan upang mawalan siya ng balanse at mapaluhod sa malamig na sahig. Napakapit siya sa tiyan, pinipilit pigilan ang kirot na tila kumakalat sa buong katawan niya.



"What the fuck is this?" 


sigaw ni Alfonso, nanginginig ang boses sa galit. Hinulog niya ang iPad sa harapan ni Faye, na may lakas na halos mabasag ito. Tumambad kay Faye ang nakakaalarmang eksena sa video, at kahit hindi pa muling tumingin, alam niya kung anong laman nito. Napapikit siya, pinagbigkis ang kanyang mga kamao, at sinubukang huminga nang malalim.



"It was nothing, Pa"



 bulong niya, ngunit halata sa kanyang boses ang kaba. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang sitwasyon. Ngumisi si Alfonso, ngunit sa likod ng ngising iyon ay halata ang poot.



 "Nothing? NOTHING?! Alam mo ba kung ano ang epekto ng 'walang kwentang bagay' na ito?"



 Malalim ang kanyang boses, punong-puno ng paninisi at pagkadismaya.




 "Dahil sa video na 'yan, tumiwalag sa partnership natin si Mr. Sakumuro! Isang taon kong trinabaho ang koneksyong 'yan, Faye! Isang taon!"




Halos mabingi si Faye sa lakas ng boses ng kanyang ama. Ngunit bago pa siya makasagot, naramdaman niya ang matalim na sipa ni Alfonso sa kanyang tagiliran. Napasigaw siya sa sakit at napahandusay muli sa sahig. Hindi siya makatingin nang diretso sa ama; pakiramdam niya'y halos magliyab ang sahig sa bigat ng sitwasyong ito.



"Tito..." 



pagtawag ni Ling kay alfonso na parang nag-aapela ng pag-unawa habang marahang humakbang palapit kay Alfonso.




Nabaling ang matalim na tingin ni Alfonso kay Ling, ang kanyang kilay ay nakakunot at ang panga'y naninigas. 



"Ako po ang may kasalanan ng lahat," 


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 26 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon