70

28 3 0
                                    

Chapter 70

"So why not give it a chance?" seryosong tanong ko.

"Madaling sabihin sayo yan kasi kaibigan mo si Carlyn."

"No, hindi ko sinasabing si Carlyn ang bigyan mo ng chance. Give yourself a chance, Pierce."

Napalingon siya sakin at napakunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Ganito kasi yan. Sabi mo ayaw mo ng sumugal at magcommit dahil sa nangyari noon. Why not give yourself a chance to sort things out? Maglaan ka ng oras para magreflect sa sarili mo. Try to open your heart to someone you think she deserves a spot in your life. Hindi ko sinasabing ipilit mo ang sarili mong mahulog ulit ang loob kay Carlyn. Ang sinasabi ko lang, try to approach her first. Mag-usap kayo not for anything but closure. Kailangan niyo yun pareho." huminga ako ng malalim pagkatapos kong sabihin yun.

Nagulat ako nang bigla niyang pinahid ang luha sa kabilang mata niya.

"Umiiyak ka ba?" natatawang sabi ko.

"No? O-of course not." tanggi niya.

Anak ng pating naman.

I spread my arms signing him to hug me anytime if he needs it. Napapangiwi naman siya sa ginagawa ko.

"Ayoko—"

"Ang arte mong p*ta ka. Ayoko din to pero kailangan mo bilang nagdadalamhati ako sa namamatay mong puso."

Hinila ko siya at pinuwersang yakapin.

"Hindi ko alam kung nakakatulong ka ba o nagpapalala lang sa problema ko-"

"Edi wag—"

Tinulak ko siya pero hinila niya ako pabalik.

"Salamat, Friz. Wag sanang mahulog ang loob mo sakin dahil dito—aray! Kahit kailan talaga napakabrutal mo!" reklamo niya.

Hinila ko kasi ang buhok niya. Puro kat*rantaduhan pa ang naiisip e.

I tapped his back slowly. I heard his silent sniffles. Alam kong hindi madali ang magopen up kahit kanino especially he's a guy.

"Pierce, ayos lang umiyak kahit lalaki ka. Your feelings, your emotions, pouring it all out doesn't invalidate you as a man. Ayos lang maging mahina paminsan-minsan. Hindi mo kailangang magpanggap lagi na matapang ka..."

Making that Gay fall for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon