26

45 2 0
                                    

"May I help you with something, sir?" tanong ng lumapit na saleslady kay Blue.

Nasa kabilang side ako at nagkukunwaring may hinahanap.

"I can do this on my own. Please leave."

"Ah o-okay sir. Sorry po."

Mabilis na umalis ang saleslady. Napakasungit talaga nito. Ako kasi immune na sa ganyang ugali niya pero pag sa iba, sobrang nakakagulat kaya yung ganong treatment.

"Friz, stop following me."

Muntik kong mahulog ang boxers na hawak ko nang marinig kong banggitin niya ang pangalan ko.

Tumalikod agad ako at nagpanggap na hindi siya narinig.

"Friz..."

Napalingon agad ako. I know that tone of his voice. Totoong naiirita na siya. Ngumiti ako at nagpeace sign.

"Ano pa bang kailangan mo ha?"

"A-ako? Excuse me andito ako para bumili! B-bakit? Ikaw lang b-b ang may karapatang maging c-customer dito ha?" nauutal na rason ko.

"Oh really? Bumibili ka? Dito sa men's store? Wow! That's really convincing, Friz." he sarcastically said.

"Para sa k-kapatid ko to nu!" palusot ko pa.

Tinignan niya ako ng masama at kalaunan ay hinayaan na lang ako. Lumapit naman ako sa kanya.

"Ba't ka ba kasi andito sa underwear section—ohmy! Don't tell me hanggang ngayon wala ka pa ring..." bumaba ang tingin ko sa bandang bewang niya na agad niyang tinakpan.

"Shut up! Nataranta ako, okay? Nakonsensya ako dahil umalis agad ako ng walang paalam at di nakapagpasalamat ng maayos kaya pinaliko ko yung taxi at sinundan ka. I... I forgot I haven't... yet wear it." pahina ng pahina ang boses niya.

"Blue, wala tayo sa library para bumulong ka."

"Shut it." usal niya.

Natawa ako at binigay sa kanya ang mga napili kong design.

"Oh ayan. Pinilian na kita."

"Friz—"

"Bakit? Ayaw mo? Cute naman yung designs oh. Elephants na cartoon."

"Fine. Get out. Dun ka na sa labas maghintay."

Hinablot niya sa kamay ko ang boxers at agad na dumiritso sa counter para magbayad. Nasa labas lang ako ng store at hinihintay na makalabas si Blue. Natatawa ako sa kakyutan ni Blue haha

Making that Gay fall for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon