16

70 4 0
                                    

After a while, bigla siyang nagsalita.

"How did you learn that?"

"H-ha?"

"It's three guys against one girl. Hindi pa yun normal na mga lalaki. Mga gangster na walang magawa kundi mangbubogbog ng taong maaapi nila. How did you learn those fighting skills?"

Sandali niyang binaling ang tingin sakin bago tumingin sa harapan.

"Curious ka na sakin?"

"Sa tingin mo talaga may magkakainteres sayo?"

Awts gege.

Grabe ka naman, Blue. Tagos hanggang buto yun. Inayos ko na lang ang jacket ko at huminga ng malalim.

"Well, It was my cousin who incouraged me to take martial arts training. I've started at the age of 16. Gusto ko lang matutong ipaglaban ang sarili ko sa kahit sino."

"Self-defense?"

"Yeah, ganun na nga. Medyo kinakalawang na nga kasi hindi na ako nakapagtraining lately haha"

Hindi ko na napansin nasa harap na pala kami ng bahay ko.

"Sige, Blue. Salamat sa paghatid. Ingat ka."

Tipid akong ngumiti at tumalikod na diritso sa gate namin.

"Friz..."

Mabilis ko siyang nilingon.

"Alam kong kaya mong ipagtanggol ang sarili mo on your own. Pero wag mo ng ulitin yun. Hindi ko kailangan ng tulong mo."

Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad paalis. Akala ko tuloyan na siyang aalis pero nagulat ako nang bigla siyang himinto at nilingon ako.

"And t-thank you, a-again..."

Hindi siya makatingin ng diritso sakin.

"Sandali-"

Mabilis naman siyang naglakad. Malalaki ang bawat hakbang niya at di na ako nilingon pa. I chuckled a bit. Parang ewan. Cute naman haha

Pumasok na ako sa room.

"Anong oras na? Uwian ba to ng mga matitinong babae?"

"Ha ha hi ma!" I nervously laughed.

Mabilis akong lumapit sa kanya at nagmano. 7pm na pala. Grabe ang bilis talaga ng oras kapag kasama mo ang taong mahal mo emz.

"Sino yun? Yun ba yung sinasabi mong crush mo?"

"Opo. Gwapo nuh?"

"Bakla yun."

"Alam niyo, ma?" napaupo ako sa tabi niya.

"Oo, obvious naman. Tigil mo na yan. Malabong magkainteres yun sayo. Sa kapatid mong si Freil Kyrus pwede pa-"

"Ouch naman."

Making that Gay fall for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon