47

35 2 0
                                    

Napakaisip bata.

"Shut up, Pierce. 2 days pa lang tayong magkakilala." sagot ko at inayos ang dala kong box.

"But 2 days feels like 2 years. Akala ko pareho tayo ng nararamdaman!"

"Hoy Pierce! Utang na loob hindi kita type ha!" dumistansya ako ng kunti sa kanya.

Napapikit siya sa inis.

"Lalo naman ako. Ang ibig kong sabihin sa pagkakaibigan. Tropa ganun! Pano naman kita magugustuhan napaka—"

"Sige subukan mong ituloy, tutuloyan talaga kita ng buhay." I glared at him.

Alam ko kasing lalaitin niya ako. Natawa naman siya at binangga ako.

"Aray ko!" reklamo ko kasi napalakas yung pagbangga.

"Ay sorry HAHA pero Friz, seryoso na kasi. Ipakilala mo na ako sa kaibigan mo. Malay mo naman siya pa ang maging dahilan para magbago ako di ba?" tumataas-babang kilay na sabi niya.

"Ul*l! Wag ako, Pierce. Wala ka ng pag-asang magbago pa."

"Ang sakit mo naman magsalita—"

"Friz!"

Napalingon kaming dalawa sa tumawag sakin. Si Carlyn. Bumaling ang tingin niya sa kasama ko. Her eyes widened when she realized who it was. Dali-dali siyang tumakbo paalis ng hindi kami nilingon pa.

"Sandali, Carlyn! Wuyyyy!" tinawag ko pa pero wala na talaga.

Nilingon ko si Pierce nakatulalang nakatingin sa pinagtayuan ni Carlyn kanina.

"Hoy! Anyari sayo?"

Saka lang siya natauhan at nilingon ako.

"Siya ba yung tinutukoy mong kaibigan mo?" sumeryuso ang tono ng boses niya.

"Ah ano..." hindi ko alam kong aaminin ko ba o itatanggi.

"Pass if it's her." tipid niyang sabi at umalis nang walang paalam.

"Teka, Pierce..."

Wala akong magawa nang tuluyan na itong makalayo. Anyare sa dalawang yun? May past ba sila? Awkward tuloy sigawan si Pierce kanina.

Pinoproblema ko pa nga lovelife ko, proproblemahin ko na naman yung dalawang yun. Ay ewan!

Making that Gay fall for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon