"Ayos! Gutom na rin ako."
Kukunin niya na sana ang paper bag sakin pero iniwas ko sa kanya.
"Akala ko ba busog ka?"
"Ah gutom na ulit ako."
Kinuha niya na ang paper bag sakin at sumunod kay mama sa kusina. Raulo talagang bata.
Pagkatapos naman naming kumain ay dumiritso na ako sa kwarto ko. Nakasunod pala si mama sakin kaya hinayaan ko siyang makapasok sa kwarto ko.
"Kamusta? Nakausad ka na ba sa crush mo?" tanong niya at umupo sa gilid ng kama ko.
"Ma, ang ano niyo. Akala ko kung anong sasabihin makikibalita lang pala sa umuusbong na lovelife ko." sagot ko at humiga sa kama ko.
"So? Ano nga?"
"Ayun first date namin kanina. Kung alam niyo lang, ma. Sobrang kinikilig pa rin ako hanggang ngayon." kwento ko sabay niyakap ng mahigpit ang unan ko.
"Date? O baka naman napilitan lang yung tao?"
Nawala agad ang ngiti ko.
"Napakapanira niyo naman ng moment, ma."
"Kailangan lang kitang iahon sa realidad. Baka kasi lunod na lunod ka pa sa pantasya mo dun sa crush mo. Pero, Friz itong tatandaan mo. I'm not against with the thought of you having a relationship with him. Anuman ang maging sekswalidad ng makakatuluyan mo habang buhay, irerespeto ko yun. Same goes sa kapatid mong si Kyrus. Pero..." she paused.
"Pero?"
"Pero kailangan mahal ka niya, mahal niyo ang isa't isa. Hindi nagwowork ang relationship na one-sided lang ha?"
"Ouch naman ma sa one-sided. Antayin niyo lang talagang maging boyfriend ko si Blue." confident kong sabi.
"Oh siya sige na magpahinga na tayong lahat. Good night, anak." natatawang sabi ni mama at hinalikan ako sa noo bago lumabas ng kwarto ko.
Iidlip na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko.
: salamat kanina
Weh? inunblocked niya ako. Kilala ko tong # na to. Pero teka kilala niya na ako dati pa?
: kilala mo ako?
Blue: obvious ba? Ayoko ng makulit. Wag mo akong masyadong itext.
: okay po, mahal.
Hinintay kong magreply siya pero wala talaga. Wala man lang kahit tuldok. P*ta ang hirap mo talagang landiin, Blue.
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...
