Chapter 72
"Kinocomfort ko lang yung tao. May pinagdadaanan lang." depensa ko.
Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag sa balikat ko.
"Ganun kayo kaclose para magyakapan?"
"Eh kayo ni Clyde, ganun kayo kaclose para mag-akbayan?" pagtataray ko din.
Kala mo ha.
"Wow, so you're now using that against me?" naiinis na tanong niya.
"Magkaiba tayo, Blue. Si Pierce kaibigan ko lang pero si Clyde, manliligaw mo." sagot ko.
Totoo naman. Wala namang malisya yung samin ni Pierce kasi obvious naman na nandidiri kami sa isa't isa if we think of us together romantically— stop! Why did I even thought about it? I just got goosebumps with that.
"Ah basta ayoko siyang makitang kasama mo." sabi niya.
"Bakit muna?" I crossed my arms in front of him.
"Kasi..." he paused.
"Kasi?" ulit ko sa sinabi niya.
Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko ineexpect na ngayon niya aaminin ang nararamdaman niya para sakin.
"Eh wala naman pala, edi walang problema." sabi ko at nagsimulang maglakad palayo sa kinatatayuan ko kanina.
"Kasi nagseselos ako, okay?! I hate that guy to start with! I hate his guts but you keep on... nilalapit mo pa rin ang sarili mo sa kanya! Para akong sasabog sa galit sa nakita ko kanina!"
I froze at my steps. Nilingon ko siya at nakita ko ang expression sa mukha niyang nagugulohan sa mga nangyayari sa kanya.
"Blue—"
"I don't know why I keep on feeling this towards you, Friz. Gulong-gulo na ako sa nangyayari. Pinipilit kong kalimutan ang nararamdaman ko sayo pero.. sa tuwing ginagawa ko yun mas lalo ka lang sumasagi sa isipan ko. Alam kong bakla ako but what have you done to me? I am no longer interested to guys or to anyone! Oo, inaamin ko nung una, in denial pa ako. But right now? I am not attracted to them anymore kasi alam ko na sa sarili ko na ikaw ang gusto ko." mahabang litanya niya.
I was caught off guard. Natulala lang ako sa lahat ng sinabi niya. Ramdam ko na ding gusto ng magwala ng puso ko.
Ito na ba talaga?
He was looking me with those genuine eyes.
"Hey... say something." usal niya.
Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang libro ko. I was trying to calm myself as my heart seems to be in abnormal pace. Namumula na rin ang mga pisngi ko. Hindi ko alam kung pano ko ihaharap ang mukha ko kay Blue.
"Friz, come on."
Lumapit siya sakin at tinanggal niya ang librong nakatakip sa mukha ko.
"Did I say to much? Dapat ba—"
I don't know what's gotten into me but my hands made its own way to pull his collar towards my direction. With my heart thumping so fast, I kissed him.
![](https://img.wattpad.com/cover/361273337-288-k138062.jpg)
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...