Prologue

335 9 0
                                    


Pansin ko ang isang lalaking nakaupo sa gilid ng daan. May sugat sa gilid ng labi niya at iniinda niya ang sakit nito. Parang siya yung nakita kong pinagtutulongan ng mga tambay kanina sa kanto. Schoolmate ko ata. Parehas kasi kami ng school uniform.

Nagkibit-balikat lang ako at pumasok na sa loob ng convenience store. Bumili lang ako ng midnight snack ko.

"245 po lahat, ma'am."

Babayaran ko sana nang mapansin ko sa labas ang lalaki kanina na napasapo sa noo niya. Bakit ba pakiramdam ko dapat ko siyang tulongan? Napapikit ako at bumili ng gamot para sa sugat.

"Miss, pakisama to."

Lumabas na ako habang nginunguya ang strawberry gum ko.

"Oh gamutin mo sugat mo."

Napalingon ito sakin at nagtataka sa ginagawa ko. Tinititigan niya lang ako. Alam ko hindi kami magkakilala pero pinapatay ako ng konsensya ko, okay?

"Dali. Nangangalay ako."

Para naman siyang natauhan at walang imik na kinuha ang paper bag sa kamay ko. Aalis na sana ako pero nakita kong tinititigan niya lang ang paper bag at wala siyang balak na gamutin ang sarili niya.

"Aghhh! Hindi yan kusang gagalaw at gagamutin ka, okay?! Akin na nga ako na."

Kinuha ko ang mga gamot sa loob ng paper bag at tumabi sa kanya. Takang-taka naman siya sa ginagawa ko at napaatras ng kunti.

"Wag kang maarte pwede? Ilapit mo yang mukha mo sakin. Mabilis lang to."

Ano pa bang ineexpect ko? Hindi niya sinunod ang sinabi ko kaya hinila ko ang chin niya at mabilis na ginamot ito. Medyo napangiwi naman siya sa pagdampi ko sa sugat niya.

"Oh ayan tapos na."

Inayos ko na ang pinaggamitan ko at tatayo na sana nang bigla niyang hilain ang braso ko kaya napabalik ako sa pag-upo sa tabi niya.

"What's your name?" usal niya.

"Uyyy interesado ka na agad sakin? Ikaw ha."

Hinawi ko ang buhok sa likod ng tenga ko. Binitawan naman niya agad ang braso ko.

"Nevermind then."

"Ito naman. Friztelle but you can call me, Friz for short." nakangiti kong pakilala.

"My name is Blue. T-thank you."

Iniwas niya ang tingin sakin at nahihirapan pa siyang banggitin ang salitang 'thank you'.

"Ba't ka ba naiilang sakin? Nagagandahan ka sakin nu?" biro ko.

Panandalian niya akong nilingon at tinitigan sa mata.

"Yeah, maganda ka..."

Unti-unting nawala ang ngiti ko. Halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Pero parang gumuho naman ang mundo ko sa dugtong niya dito.

"Pero mas maganda ako..."

P*nyeta bakla siya?!

Making that Gay fall for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon