65

39 3 0
                                    

Chapter 65

"Tita Sally, I have to go na po. Hindi po kasi namin ipinaalam kay mama itong nangyari. Kailangan ko pa pong ipaliwanag ito sa kanya."

"Wait, ipapahatid ko na lang kayo."

"Ah hindi na po. Susunduin po kami ng papa ni Carlyn. Siya na po ang maghahatid samin." tanggi ko.

"Alright, bitbitin niyo to sa bahay niyo ha."

Binigay ni tita ang apat na box ng pagkain samin. Tigdadalawa kami ni Carlyn. Napakagalante talaga ng mga Alviesta.

"Maraming salamat, tita." yumuko ako ng kunti.

Napalingon ako kay Blue. He slightly smiled at tumango. That means ayos lang siya at hinahayaan niya na kaming makauwi.

"Nakuu sayang naman, Friz. Baka biglang magsleeptalk to si Blue rito at hanapin ka. Bukas pa naman siya makakauwi. Anong gagawin ko?"

"Mom, shut it." napapailing na lang si Blue kay tita Sally.

"Wag po kayong mag-alala, tita. One call away po itong kaibigan ko kapag si Blue na ang naghanap sa kanya—aray" kinurot ko si Carlyn sa gilid niya.

"Ha ha kayo talaga, tita. Napakapalabiro niyo. Una na po kami. Hinahanap na po kami ng papa ni Carlyn—"

"Ha? Hindi pa naman tumatawag si papa ah—"

"Tumawag na. Kukurutin ko yang singit mo." bulong ko kay Carlyn.

Nagtataka naman si tita sa bulongan nin kaya nginitian ko lang siya.

"Uh sige Blue,Tita mauuna na talaga kami." pagpapaalam ko.

Tinulak ko na si Carlyn palabas ng room.

"Thank you ng marami, Tita. Pagaling ka Blue ha!" sigaw pa ni Carlyn bago kami tuluyang nakalabas.

"Taray feeling close, teh? Parang di ako pinigilan dati na habulin si Blue ah." komento ko.

Naglalakad na kami palabas ng hospital. Agad naman niyang kinawit ang kamay niya sa braso ko.

"Siyempre ano nasa past na yun. Past is past ganun. Ang bait at galante pala ng mommy ni Blue." sabi niya habang chinicheck ang laman ng box na binigay ni Tita Sally kanina samin.

Panandalian kaming napahinto sa paglalakad at tinaasan ko siya ng kilay

"Bakit?"

"Ang ganda mo sana, kaladkarin lang pagdating sa pagkain. Teh, mayaman ka ha, nireremind ko lang." sabi ko na ikinahagalpak lang ng tawa niya.

"Hindi ba pwedeng maging appreciative sa lahat ng binibigay?"

Napailing na lang ako at muli kaming naglakad palabas ng hospital.

Making that Gay fall for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon