17

57 3 1
                                    

"Bakit? Wag mong sabihing gusto mo pa rin siya kahit alam mong bakla siya?"

"Oo opo yes na yes, ma."

"Lintek na pag-ibig yan. Hindi naman ako tutol KUNG sakaling magkatuloyan kayo. May itsura naman at mukhang maayos naman ang asal. Hinatid ka nga dito. Pero KUNG magugustohan ka lang."

"Grabe yung 'KUNG' ma. Talaga bang imposibleng mahulog ang loob ni Blue sakin ha?"

Nagkibit balikat siya sakin.

"Napakanega niyo naman, ma. Kapag ka talagang naging boyfriend ko si Blue babayaran niyo yung 1k na utang niyo sakin. Ano? Deal?"

Agad na napalingon si mama sakin.

"Anong 1k? Anong utang?"

"Hanep, ma. Instant amnesia. Last year niyo pa kayang utang yan sakin."

Napatingin si mama sa itaas ng kisame namin. Hindi ko lang alam kung pilit niya bang inaalala yung pagkakautang niya sakin o nag-iisip siya ng pangmalakasang alibi.

"Friztelle Santillan, nung bata ka pa at panay ang hingi mo sakin ng pambaon mo, siningil ba kita? Yung humingi ka ng pambayad mo para sa costume party mo? Yang damit mo, yang sapatos mo, yang-"

"Oo na, ma. Hindi na kita sisingilin. Tara na po matulog na tayo." tumayo na ako at dumiritso sa hagdanan

"Ganyan. Ganyan dapat hindi yung- Friztelle! Anak naman hindi pa ako tapos sa sasabihin ko! Wuy!"

Katulad ng inaasahan ko. Sa tuwing sinisegway ko ang utang ni mama sa mga chikahan namin, sinisingil niya rin ako sa lahat raw ng gastos ko nung bata ako hanggang ngayon. Ako pa ang nabaliktad ngayon. Anak ng pating talaga. Opo, ma fully paid ka na lang.

Making that Gay fall for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon