Wala. Back to zero tayo, Friz. Ngayon pang nalaman mong may kunting pag-asa ka na kay Blue. Kunting kembot pa aabot din tayo dyan.
Pagkatapos makapagbihis at magretouch ng kunti ay dumiritso na ako sa court para ipagpatuloy ang pagdedecorate sa mini stage namin. Hindi ko na rin nakita sa hallway si Blue. Nag-assume pa naman ako na hinintay niya ako. Todo paganda pa ako.
"Ayos na ba, Pierce? May maitutulong pa ako?" tanong ko ng makalapit na sa kanila.
"A little bit touches and then we're all good." seyoso niyang sabi habang nakatangin sa mga kaklase naming nag-aayos ng decorations sa gitna ng stage.
"Ngayon ko lang naintindihan kung bakit baliw na baliw sayo ang kaibigan ko. Ayos ka pala talaga sa lahat. Dun ka lang sumablay sa pagiging babaero..." bulong ko sa sarili ko.
"Anong sabi mo?" nakakunot noo niyang tanong sakin.
"Wala. Sabi ko pwede ka palang event's organizer. Ba't di mo gawing pangsideline?"
"Hindi e. Iba talaga yung narinig ko."
"Guniguni mo lang yun." I tapped his right shoulder at pinuntahan ang isang kasamahan namin.
"Friz!"
Hindi ko na siya pinansin pa at natatawang tinulongan sa pagbubuhat ng box ang kaklase ko.
Alam kong narinig niya yun. Inaasar ko lang siya lalo.
"Nga pala, Friz. Pwede bang humingi ka ng extra pad sa clinic. Feeling ko talaga natagosan ako." bulong ng kaklase ko.
"Ah sige ako bahala. Ah suot mo muna to sa bewang mo ha. Babalik kaagad ako."
Hinubad ko ang jacket ko at binigay sa kanya. Mabilis akong tumungo sa clinic para humingi ng extra pads. Ubos na kasi yung stock ko sa locker ko.
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...