"Wag ka ngang nagmumura. Naririnig ka ng mga bata oh."Sabay naming nilingon ang mga batang nakatingin sa kanya. Tinaasan lang ito ng kilay ni Blue.
"Blue, wag ganyan. Kaya takot ang mga taong lumapit sayo e tinatarayan mo agad."
"I don't care!"
"Oh wag kang galit agad. Ito naman. Maglaro na tayo para matanggal yang stress sa katawan mo."
Naiirita man ay sinunod niya na lang ang sinabi ko at nag-umpisang maglaro. Halatang rk talaga ang lolo niyo hindi talaga marunog maglaro ng mga arcade games.
Alam niyo yung laro na may pipindutin kayo tas may mahuhulog na bola mula sa machine. Iikot-ikot ito hanggang sa mahulog sa butas na may number kung ilang tickets ang makukuha mo. Dun siya sobrang nahooked.
"Ayoko na nga sa larong yan! Puro sa malilit na amount naman nahuhulog yung bola. Napakadaya!"
Natawa ako at sobrang asar niya sa larong yun. May butas din kasi dun na may sulat na 'jackpot'. Ibig sabihin maraming tickets ang iluluwa ng machine kapag dun nahulog ang bola.
"Sandali asar-talo ka naman. You need patience for games, Blue. Hindi lahat ng attempts sapul agad..." pumwesto ako sa likod niya at hinawakan ang kamay niya sa button na pipindutin niya para mahulog ang bola.
"Friz, what are you—" napalingon siya sa gilid niya.
"Shhh eyes in front, Mr. Alviesta." sagot ko ng hindi siya tinitignan.
Gusto niya sanang magprotesta pero pinigilan ko ang kamay niyang makaalis sa pagkakahawak sa button.
"Friz, nakakahiya! Pinagtitinginan tayo!" bulong niya.
"Let them be. Again, eyes in front."
He had no choice kaya sinunod na lang niya ang sinabi ko.
"Katulad ko mahaba ang pasensya ko sayo, Blue. You've rejected me a lot of times pero hindi kita susukuan. Just like how patient we are to get the right timing for this ball. I am willing to wait to reach my goal..."
Saka namin sabay na pinindot ang bola. Nagpaikot-ikot ito. He's anticipating where the ball should fall. Pero kampante akong mahuhulog ito sa jackpot.
Nahulog ito sa jackpot.
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...