Chapter 82
Isang bola ng soccer ang lumilipad patungo sa direksyon namin. Imbes na umilag ako ay hinarang ko na lang ang braso sa mukha ko. Napapikit ako.
Bakita parang walang bolang tumama? Napadilat ako at nakita kong nakaharang ang kamay ni Pierce na siyang sumalo ng bola.
"Umalis ka na, Friz. Ayoko ng makita ang pagmumukha mo kahit kailan." usal niya nang hindi ako nililingon.
"Pierce!"
Tuluyan na siyang naglakad papunta sa mga teammates niya. Bumagsak ang mga balikat ko sa sinabi niya. Shets mas lalo lang atang lumala ang sitwasyon. Anong gagawin ko?
"Friz, thanks for your help. Pero wag mo ng gawin ulit yun. Ayokong masira ang pagkakaibigan niyo ni Pierce dahil dito." Carlyn said sadly.
We're here in the cafeteria at napag-usapan namin ang nangyari kanina.
"Wahhh gusto kong mainis pero kasalanan ko naman talaga."
Napangalumbaba ako sa mesa.
"Gusto mo bang tulongan kita para magkaayos kayo—"
"Di ko nga kayo mapag-usap, mapag-ayos pa kaya kami."
She sighed as she realized I was right. Napasandal na lang din ako sa upuan ko.
"Oh sheesh! Yung activity ko! I'll call you later, Carlyn. Kailangan ko lang ipasa to."
Tipid siyang tumango. I tapped her shoulder bago kumaripas ng takbo palabas ng cafeteria. At dahil sa kabilang building pa matatagpuan ang opisina ng prof ko ay halos madapa na ako sa hagdanan sa sobrang hingal.
Nakaabot rin ako at naipasa ang activity ko on the last minute. Napadaan ako sa room ni Blue. Seryuso siyang nakikinig sa instructor nila na naglelecture sa harapan. Nilabas ko ang phone ko at palihim na kinunan siya ng litrato saka ako maingat na umalis palabas ng building nila.
I sent him his picture.
: ang sipag naman mag-aral ng bebe ko :>
In just a sec. nakareply agad.
Blue: you're here? Asan ka?
: nah. Nagpasa lang po ng activity :)
Blue: bakit di mo ako tinawag?
: stop sneaking at your phone. Makinig ka na sa klase mo. Ily♡
Blue: Ilytoo but don't change the topic. Bakit di mo ako tinawag?
Natawa ako. Ang kulit talaga.
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomansaOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...