Chapter 59
"Ate, ano bang—sino ba kasi yan at natataranta ka?" sigaw ni Kyrus habang nakasunod siya sa likuran.
"Friz, calm down. Ginagamot lang si Blue sa loob. Kailangan rin ng gamot ang mga sugat at galos mo sa mukha at katawan."
Pinaupo ni Carlyn si Friz sa isang stretcher. Agad na may lumapit na nurse at ginamot ang sugat ni Friz.
"Nasan si Blue? I need to see him." nagpupumilit pa rin siya.
"Friz, listen. Ako ng bahalang magpaliwanag sa kapatid mo tungkol kay Blue. For now, just please wag matigas ang ulo mo at ipagamot mo ang sugat mo. We'll immediately go to Blue after your treatment, okay?"
Marahang tumango si Friz. Nakahinga ng maluwag si Carlyn at agad na hinila palabas si Kyrus palabas ng room.
"Ano ba? Bakit ba?!"
"Shhh wag kang maingay nasa hospital tayo!" bulong ni Carlyn sa kanya.
"Ano bang nangyayari? Bakit nagkakaganun si ate? Ano bang relasyon niya sa lalaking yun?"
"Okay okay. Isa-isa lang. Ipapaliwanag ko sayo ng maayos. Pwedeng ikalma mo yang ugat mo? Mukhang puputok na eh ha." naiinis na sabi ni Carlyn.
Kinuwento lahat ni Carlyn kay Kyrus.
"Ano?! Yun yung baklang hinahabol ng ate ko?!"
"Shhhh ang tigas talaga ng ulo mo! Sinabing bawal ang maingay rito!" nanggigil na bulong niya.
Hinila siya ni Carlyn pabalik sa pag-upo.
"Please wag mo munang tawagan si tita baka sumugod yun rito at sugurin lahat ng staff sa hospital. Mahirap na." Carlyn sighed.
"Alam ko." sagot ni Kyrus.
Lumabas ang nurse dala ang tray ng gamot. Mukhang tapos na ang panggagamot sa sugat ni Friz.
"Ayos na po ma'am and sir. Pwede niyo ng puntahan si Ms. Santillan sa loob."
Dali-daling tumayo ang dalawa mula sa kinauupuan nila at dumiritso sa loob ng room.
(Third Person's POV ends)
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...