Chapter 77
"Friztelle, may pinapabigay sayo."
Napalingon ako sa kaklase ko at agad na binigay niya sakin ang isang box.
Sinilip ko ang laman ng box. Isang strawberry donut at coffee jelly. Binasa ko ang note.
'I got you snacks at err coffee jelly? Carlyn told me you liked those. Anyway, see you later. Have a great day, Friz <3 -Blue'
Pinipigilan kong ngumiti. Ang dami kasing nakikiusisang mga mga kaklase ko. Siyempre tinago ko yung note. Ang sweet naman ng bebe ko.
Since breaktime namin dapat sana aayain ko si Blue kaya lang medyo busy siya at nagpatulong sa kanya ang isang kaklase niya so si Carlyn ang tinawagan ko.
"Friz!"
Nagyakapan kaming dalawa saka kami umupo sa ilalim ng puno. Nasa likod kami ng building. At dito ang madalas na tambayan naming dalawa.
"Ano yan?" turo niya sa box.
"Bigay ng bebe ko." kinikilig na sabi ko.
"Talaga? Parang binili mo lang ata—char biro lang." bawi niya agad nang sinamaan ko siya ng tingin.
"Carlyn, kami na kyahhhhhh"
"Aray ko gaga!" niyugyog ko kasi ang mga balikat niya.
Inayos ko muna ang box ko at baka matapon ang mga pagkain sa loob.
"Weh? Isang araw lang akong nabusy kayo na?!"
"Sinagot ko na siya kahapon." kinikilig na sabi ko.
"Baka naman sinagot ka kamo ni Blue."
"Ito naman napakapanira ng moment." komento ko.
"Just kidding. Pahingi nga nyan. Saktong gutom ako ngayon." natatawang sabi niya.
Nilayo ko agad ang box sa kanya.
"Ayoko nga. Akin lang to galing to kay Blue!"
"Napakadamot mo parang pagkain lang."
"Sige na nga hati tayo sa donut pero sa coffee jelly akin lang to ha."
"Okay!"
Sabay naming kinain ang bigay ni Blue na strawberry donut sakin. Masaya kaming nagkwentuhan.
"Ay nga pala. Kausap ko si Pierce kahapon."
Naiubo niya agad ang kinain niya. Binigay ko sa kanya ang tubig ko.
"Gusto mo bang pag-usapan natin?" tanong ko at diritso ang tingin ko sa harapan.
Mukhang nagdadalawang isip siya sa isasagot niya.
"Kung ayaw mo, ayos lang—"
"Hindi. Sige, gusto kong marinig." pagpuputol niya agad sa sasabihin ko.

BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...