"Joke lang HAHAHHAAHA"
"Kung di lang kita kaibigan, Carlyn. Baka tinumba na kita right here, right now—aray!"
Hinampas niya ako sa braso at sobra ang pagtawa niya. Kanina lang medyo malungkot to'. Ngayon, di ko alam siguro medyo may sayad na.
"Eh kasi naman ang seryuso mo mag-advice. Wala naman akong balak magconfess ron dahil katulad nga ng sabi mo kanina. He's a walking red flag now."
"Pero gusto mo pa?"
"Pero napakadami mong tanong." panggagaya niya sa boses ko.
"Carlyn, naman kasi—"
"Friz, andyan si Blue!"
"Asan?!" napatayo agad ako at napalingon sa paligid.
Wala naman si Blue.
"Yan ang asikasuhin mo. 1 month ka na kayang no progress."
"Nakasupportive mong kaibigan nu?" pilosopo kong sabi.
"Your welcome. Oh siya sige na babalik na po ako madam sa klase ko nu? Ikaw din. See you laturrr"
Binitbit niya na ang gamit niya at dire-diretsong pumasok sa building.
"Carlyn!"
Hindi niya na ako nilingon at kinaway lang ang kamay niya sa malayo.
Bigla namang nahagip ng mata ko si Blue sa Cafeteria. Mag-isa itong kumakain. Agad akong tumongo ron.
"Hi Blue! Coffee, milktea or me?"
"Get lost."
Panandalian niyang inangat ang tingin sakin at binalik ang atensyon niya sa pagkain niya. Umupo naman ako sa harapang upuan.
"Alam mo ang galing mo kanina! Panay cheer ko sayo. Nakita mo ako kanina?"
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" tinaas niya ang kilay niya sakin.
Apakataray talaga nito. Nakikipagchikahan lang ng kunti e.
"Gusto ko lang naman maging kaibigan mo, Blue—"
"I don't need a friend. Especially if it's you. Now, can you please leave?"
"Sakit mo naman magsalita—hep, okay sige ito na aalis na." pigil ko sa kanya.
Bigla kasi siyang tumayo at binitbit ang tray niya kaya pinigilan ko siya. Kinuha ko na lang ang gamit ko at ang coffee ko.
"Hindi kita kukulitin for now but please drink this. I know you like caramel latte. Have a nice day, Blue." tipid akong ngumiti kahit alam kong hindi siya nakatingin sakin.
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...