74

39 3 0
                                    

Chapter 74

Umupo muna kami sa bermuda grass. Buti na lang talaga malayo kami sa building at walang masyadong estudyanteng dumadaan sa parteng ito ng campus namin. Ayoko kasing maging PDA. This is still a school. I got carried away lang kanina.

"So?"

Napalingon ako sa kanya.

"So ano?" tanong ko.

Nagdadalawang isip siya sa sasabihin niya.

"Are we official?" he asked.

"Ano ka sinuswerte? Hindi ka pa nga nakikilala ng mama ko at ng kapatid ko formally." sabi ko at agad namang bumagsak ang mga balikat niya sa sinabi ko.

Napasimangot siya agad. Ang kyutt.

"Akala ko ba ikaw ang nanliligaw sating dalawa? Sinasagot na kita ah."  sabi niya na ikinatawa ko

"Pftt—"

Tumawa ako ng malakas.

"Friz." pigil niya sakin.

"Eh nakakatawa kasi reaksyon mo. This time, ikaw naman dapat ang manligaw sakin." kumindat ako sa kanya.

"What?!"

"Oo, ligawan mo ako. Hingin mo ang kamay ko sa pamilya ko. Ganun talaga ang tunay na proseso, Blue." sabi ko.

"Oh sh*t. I don't even know how to do that. Friz naman! Hindi ko alam kung pano manligaw!" natataranta niyang sabi.

"Hep. Una sa lahat, kailangan mong iwasang magmura sa harap ng pamilya ko. Naku naman baka first impression pa lang ekis ka na agad." napapailing na sabi ko.

"How can I f*cking do that?! It just came out naturally."

Sinamaan ko siya ng tingin kaya agad siyang napatikom sa bibig niya.

"Alright, I'll try." bumuga siya ng malakas na hinga.

"And about kay Clyde—"

"Nag-usap na kami kanina. I've already cleared things out for him. Alam niya na ding malabo akong magkagusto ulit sa kanya." he cut me off.

Napalingon ako sa harapan. Halos dumidilim na ang buong kapaligiran.

"Hindi ako naniniwalang basta ka lang niyang papakawalan, Blue."

Tumayo na ako at pinagpag ang pants ko.

"Tara na po, kamahal-mahal kong kamahalan. Gumagabi na po." nakangiting sabi ko.

I offered my hand in which he immediately hold onto. Agad ko naman siyang hinila patayo.

Tumingkayad ako at nilapit ang bibig sa tenga niya.

"I was just kidding a while ago. Yes, we're officially in a relationship." bulong ko.

Making that Gay fall for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon