BLUE's POV
"Inspired ata alaga ko ngayon. Nakangiti oh."
Napalingon ako kay Yaya Tina. Kasalukuyan akong nanunuod ng movie sa sala habang siya naman ay nagvavacuum sa sahig.
"Shut up, yaya. Hindi ako ngumiti."
Nilipat ko sa ibang movie ang pinapanuod ko.
"Hulaan ko."
"Are you a fortune teller now, ya?" walang ganang sabi ko at kumagat sa chocolate bar.
"Pwede. Si ma'am Friz dahilan ng mga ngiting yan nu—"
Naibuga ko ang kinain ko at napaayos ng upo.
"Hindi ah! Why would I think about her?!"
"Luh defensive yarn?"
Sometimes I just wanna put yaya Tina in a sack. Ang galing niya talagang mang-asar. Sa lahat ng naging yaya ko siya lang ang bukod tanging nakatagal sa ugali ko. She's been with me since I was 10.
"Nakuuu akala ko talaga walang kahit sinong babae ang makakabihag ng puso mo."
"Ya, shut it. It's not something like that." uminom ako ng tubig at naghanap uli ng panibagong movie.
Kahit anong distract ko sa sarili ko, paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko ang nangyari kanina. Baliw kasi na babaeng yun. Sh*t! I can't help but smile.
"Ohhhhh~"
"F*ck! That startled me!" napamura ako sa sobrang gulat.
Bigla kasi siyang kumanta ng pagkalakas.
"Kapag tumibok ang puso. Wala ka ng magagawa kundi sundin ito~"
Ginawa niyang mic ang hinahawakan niyang feather duster. Napapailing na lang ako. At talagang sumasayaw pa siya sa harapan ko ha.
Natatawa ako at umakyat na papunta sa room ko. I can still hear her forcing her voice to get louder para marinig mo. Humiga agad ako sa kama ko at tumingala sa ceiling. Hanggang ngayon dama ko pa rin ang pagkabog ng puso ko. Talaga bang tuluyan ng nahulog ang loob ko sa babaeng yun?
My phone beeped.
Friz: Gising ka pa?
: tulog na.
Friz: yieeee di makatulog sa gabi sa kakaiisip~
: ako ba ang dahilan kung bakit hindi pa kayo nakakatulog, kamahalan?: delulu ka nga.
Friz: amimin mo na kasi
: ?
Friz: na nagustohan mo yung kiss;)
Upon reading her last message, I panicked at aksidenteng nahulog sa mukha ko ang phone ko. Napabangon agad ako at napahawak sa ilong ko.
"D*mn it! That hurts!"
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...