Habang pauwi ako, ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon. Yung event namin bukas, yung something kina Carlyn at Pierce. Kung anong uulamin namin sa bahay. Kung nakauwi na ba ang gunggong kong kapatid. Pero mostly, si Blue. Yung ngiti niya, yung pagpout niya, yung nangyari kanina sa clinic. Nababaliw na yata talaga ako at ngumingiti akong mag-isa ngayon.
Hahakbang na sana ako sa crosswalk nang biglang may humila sa backpack ko kaya napabalik ako sa pwesto ko.
"Sira ka ba?! Kita mong green pa yung light!" pagalit na sigaw ni Blue sakin.
Napalingon ang ibang tao sa gawi namin. Agad namang binitawan ni Blue ang bag ko.
"Ah green light..." wala sa sarili kong sabi.
Napahilamos siya sa mukha niya sa inis.
"F*ck! Masisiraan ako ng ulo sayo! Pano kung hindi kita hinila kanina ha?!" singhal niya sakin.
"Kumalma ka, Blue. Kung time ko na, time ko na talaga—"
"Don't you dare say that as a joke!"
I stared at him for a long time. He's fuming mad.
"Sorry..." napabuntong hinga ako at binaling ang tingin ko sa harapan.
"D*mn... ano ba kasing tumatakbo dyan sa isip mo ngayon?"
"Ikaw."
"Friz, this is not the time for that—"
"Marami akong iniisip, Blue. But mostly, it's all about you."
Red light na at nauna na akong maglakad. Akala ko lalagpasan niya lang ako pero pumantay siya sa paglalakad ko.
"Hindi ko alam anong sasabihin ko after you said that. It caught me off guard." saad niya.
"Kinilig ka?"
"Oo—what?! Me?! Of course not!"
Natawa ako. Ewan ko lang kung sinong mas lutang samin.
Pareho kasi kami ng dadaanan di ba. I don't know if we are still considered as neighboors kasi medyo malayo yung bahay namin sa kanila. Anyways nasa gilid lang kami ng daan at patuloy na naglalakad.
"May problema ba, Friz? You're awfully quite right now. Hindi ako sanay."
"Iniisip ko lang si Pierce at—"
Hindi pa man ako nakakatapos sa sasabihin ko ay agad siyang sumabat.
"Bakit mo iniisip ang lalaking yun?!" napahinto siya sa paglalakad ganun din ako.
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...