Third Person's POV
Nasa ground si Blue at iniisip ang nangyari kanina.
'Did I just confessed? Kay Friz? Sa babae?', ito ang tumatakbo sa isipan niya. Hindi niya lubos akalaing lumabas iyon sa bibig niya kanina. Talagang pakiramdam niya lang ay sasabog siya sa galit nang makita niyang masaya itong nakikipagtawanan sa ibang lalaki.
"Look out!"
Napalingon si Blue sa pinanggalingan ng boses. Isang bola ng soccer ang lumipad patungo sa direksyon niya. Huli na para maiwasan ito kaya natamaan siya sa noo.
"Ow!"
Hindi naman siya natumba dahil ron pero iniinda niya ang sakit sa bahagi ng noo niya na tinamaan ng bola.
"Sorry. Ayos ka lang?"
Napalingon si Blue sa nagsalita. It was Clyde. Panandalian siyang natigilan.
"Gusto mo bang ihatid kita sa clinic? Sorry talaga."
Sandaling pinulot nito ang bola ng soccer at tinapon sa mga kasamahan niya. Sinenyasan niya ito na ipagpatuloy na ang training na wala siya.
"Hindi na. Wala namang sugat." tipid na sagot ni Blue at iniwas ang tingin niya kay Clyde.
Sobrang nagtataka si Blue. Na ngayong malapit na sa kanya ang lalaking hinahangaan niya ay hindi na siya makaramdam ng kilig katulad ng dati. Kung kailan nagkaroon na sila ng pagkakataon na makapag-usap ay hindi na siya naeexcite rito. But then again, it hit him. Siguro nga ay tama ang sinabi niya kay Friz kanina. He was just using Clyde. Pinipilit niya lang na magkagusto rito dahil gusto niyang idistract ang sarili niya mula kay Friz.
Biglang hinawi ni Clyde ang bangs ni Blue. Napaatras naman si Blue sa gulat.
"Sorry gusto ko lang tignan yung tinamaan ng bola. Wala ngang sugat but it's slowly forming a small lump. Namumula. Kailangan yan ng remedy. Tara na sa clinic baka lalo lang lumala."
Naunang maglakad si Clyde pero nang mapansin nitong hindi nakasunod si Blue ay nilingon niya ito.
"Hindi mo na ako kailangang samahan. Pwede namang ako na lang—"
"Pumili ka. Hahayaan mo akong sumama sayo ng maayos? o kakargahin kita patungong clinic?"
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
Storie d'amoreOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...