"Ano ba yan? Bakla na nga lalampa-lampa pa HAHAHA"
"OMG he's gay? Pero sayang naman."
"Gwapo nga bakla naman."There are just some of the bad comments I heard from students of other universities at maging schoolmates namin. Gusto ko silang sigawan at patulan pero hindi ko ginawa. It's useless. Binaling ko ang mga tingin sa grupo ng mga babae na may pabanner para kay Blue pero maging sila ay nagdaadalawang-isip na tulungan si Blue.
I didn't notice my feet move it's own way para lapitan si Blue.
"Blue, may masakit ba—
I offered my hand to help him stand pero tinabig niya lang ito at kusa siyang tumayo at mabilis na tumakbo papunta sa building nila.
"If I'm not mistaken, you are Friztelle, right?"
Napalingon ako sa nagsalita. Teammate siya ni Blue at ahead siya ng one year samin.
"I'm Jigs. Hindi kami close ni Blue pero medyo kilala ko na ang galawan ng batang yun. Pinipili lang talaga ang kinakausap niya. Can you please give him a hand? Hindi kasi makikinig at tatanggap yun ng tulong mula samin."
"Naku, mas lalo po sakin."
"No, I think mas kakausapin ka pa niya kaysa samin. Wala siyang extrang shirt pero meron ako nasa room namin. Katabi ng room ni Blue. Dark blue yung bag ko. Kunin mo lang dun pero wag mong sasabihin sa kanya na saakin yun, naiintindihan mo ba?"
"Okay sige po. Salamat." tumango ako at tipid niya lang akong nginitian.
Dumiritso na ako sa room na sinabi ni Kuya Jigs kanina. Pagkatapos kong kunin yung shirt ay hiniram ko ang jogging pants ng kaklase ko. Agad akong dumiritso sa cr kung saan nagkukulong si Blue. Hiniram ko rin pala sa staff room ang susi ng cr na yun kung sakaling di ako pagbuksan ni Blue.
"Blue... si Friz to buksan mo yung pinto." kumatok ako ng ilang beses sa pinto.
"Leave me alone. Wala akong ganang makipagusap kahit kanino."
"Blue naman—"
"I said I don't need your pity!"
Wala talaga tong balak pagbuksan ako kaya ginamit ko na ang susi.
"Blue, sorry nag-aalala lang ako—" bumagsak ang susing hawak ko sa sahig.
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...