Chapter 9
"Excuse me, may extrang bottled water ba kayo dito, nurse?"
"I think that's the last one na binigay ko kay Ms. Santillan. Gusto ko sanang isuggest na sa cafeteria na lang kaso sa kabilang building pa pala yun."
"Fu... sa kabilang building din yung room ko." reklamo niya.
"Gusto mo?"
I offered mine. May kalahati pa namang natira.
"What makes you think na tatanggapin ko yan?"
Kung makatingin naman to parang diring-diri sa inooffer kong tubig. Harmless naman to.
"Arte pala nito e. Akin na, Friz—"
Kukunin na sana ni Carlyn pero mabilis na kinuha ni Blue sa kamay ko ang tubig. Akala ko agad na lalagokin niya straight from the bottle pero kumuha siya ng baso saka ito sinalin rito, pagkatapos ay mabilisang ininom.
"Hey you!"
"Ako?" tinuro ko sarili ko.
"Quits na tayo dahil hinatid kita rito. Hindi ka naman daw napurohan na. Next time, wag kang haharang-harang sa dindaanan ko! I'm outta here!"
"Thank you, Blue!" sigaw ko pero tuluyan na siyang umalis.
Binaling ko ang tingin ko kay Carlyn.
"Thank you din..." ngumiti ako.
"Ibang klase kang mainlove, Friz. Akala ko kanina galit ka kay Blue tas ngayon may pangiti-ngiti ka na sa kanya. Marufok yarn?" napapailing niyang sabi.
"E kasi ano kasalanan ko din naman masyado akong natulala sa sobrang lapit niya kanina. Pero yaan mo na hinatid naman ako dito sa clinic plus kinarga niya ako sa likod niya ihhhhh"
Hinatid na ako ni Carlyn sa room ko. Sabi ko naman kaya ko na pero nagpumilit pa rin siya. Ang mas ikanagulat ko pa ay nalaman kong magkaklase pala sila ni Blue. Ang swerte niya.
Transferee ako rito at 2nd year din ako. Taking BS in Architecture. Kailan kung dumoble kayud para kay Mama at kay Freil, bunsong kapatid ko na lalaki. At dahil maagang lumisan si Papa sa mundong to, kailangan kong magsumikap para sa aming tatlo.
"Friztelle Santillan, right?"
"Yes?"
"So ikaw yung babaeng epal kay Blue."
Kahit saan talaga may karibal ako kay Blue. Itumba ko kaya sila isa-isa? Char.
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
Storie d'amoreOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...