28

58 3 0
                                    

"Ma! Kyrus!"

Binaba ko agad ang mga gamit ko sa sofa at pabagsak na umupo sa pagod. Nakita ko namang agad na lumabas si mama sa kusina.

"Kakagaling niyo lang sa trabaho, ma?" lumapit ako at nagmano bago bumalik sa kinauupuan ko kanina.

Nakacorporate attire pa kasi si mama at magsusuot ng apron. Si mama ay isang manager sa isang restaurant. Bilib ako sa time management niya at sa laki ng sakripisyo niya para sa aming tatlo.

"Oo eh. Kamusta, Friz?" tanong niya.

Alam niya kasing sumali ako sa isang tournament sa university.

"Tsaran! Ako pa ba, ma?" pagmamayabang ko habang pinakita ang medal ko.

"Ay bongga! Talagang nagmana ka sakin!" naghighfive kaming dalawa.

Opo ganyan kami kaclose ng mama ko. Bumukas naman ang pinto na siyang pagdating ng magaling kong kapatid.

"Anong silbi ng wristwatch mo kung hindi ka marunong tumingin sa oras ha?!" sinigawan ko siya.

"Kung makapagsalita ka naman ate. Magkasunod lang tayo."

Tinignan ko siya ng masama.

"Oh sige sige. Nagkayayaan lang na kumain sa labas ang mga kaibigan ko. Libre naman kaya bakit ako tatanggi di ba?"

"Napakapataygutom talaga nito."

"Uy! Nanalo ka, ate? Himala—aray!" sinapok ko siya sa ulo nang makalapit para hawakan ang medal ko.

"Umayos ka ha. Wala kang bilib sa ate mo?" pagtataray ko.

Hinihimas niya ang ulo niya habang lumapit at dumiritso sa likuran ni mama.

"Ma, pagsabihan niyo nga yang anak niyo! Napakabrutal oh! Siguro kaya yan nagbalik training sa martial arts at taekwondo para pagpraktisan ako. Ma, kawawa naman ang poging mukha ng anak niyo!"

"Hoy!" dinuro ko siya.

Tumiklop agad siya at nagtago sa likuran ni mama.

"Oh tama na yan. Magluluto pa ako ng dinner natin." natatawang awat ni mama samin.

"Nga pala, ma. Ito na yung pinapabili niyo sakin kanina at wag ka na pong magluto. Nagdala na ako ng ulam natin!"

Binigay ko kay mama ang pinabili niya sakin.

Making that Gay fall for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon