7

150 4 3
                                    

Chapter 7

"Sabi ko sayo e sumuko ka na."

"Ay naka ng— ano ba?! Aatakihin naman ako sa puso dahil sayo."

She crossed her arms at nakatingin siya sa nagkukumpulang mga babae kay Blue.

"Carlyn, ba't di ka nagkakacrush kay Blue?"

"I already told you di ba? Hindi ko siya type."

Tinitigan ko lang siya habang ngumunguya siya sa gum niya.

"What?"

"Tingin mo magugustuhan ako ni Blue—"

"TABI!!!"

Napahinto ako sa sasabihin ko dapat at napalingon sa harapan ko. Si Blue na mabilis na tumatakbo papunta sa direksyon ko.

Napangiti ako. So naalala niya ako.

"Aray ko sh*ta!"

Tinulak niya ako sa gilid kaya napadapa ako sa lupa.

Ang sakit ng pwet ko. Gusto kong tumayo agad pero napapangiwi ako sa sakit ng pagkakadapa ko. Agad na lumapit si Carlyn sakin.

"Hala ayos ka lang ba, Friz?!"

"Oo ayos lang—"

"What the heck?! Sinabi ko namang tabi— YOU!"

Lumapit siya sa gawi ko at dinuro ako.

"Hi Blue!" sabay ngumiti ako ng malapad sa kanya.

"Tanga ka talaga. You hurt?"

"May nadapa bang hindi nasaktan?" pilosopong sagot ni Carlyn.

Blue glared at her. Siniko ko naman si Carlyn sa tagiliran.

"What?" bulong niya at pinandilatan ko lang siya ng mata.

Bahagya namang yumuko si Blue at hinawi ang braso ko.

"Aray naman!"

"Siguraduhin mo lang na hindi ka nagooahan." masama ang tingin niya sakin.

He then diverted his attention sa mga babaeng naghahabol sa kanya kanina.

"Look what you all have done. Responsable ko pang dalhin sa clinic ang babaeng to."

"Blue, kasalanan naman niya na tanga siya!"
"Yeah!"
"Wag mo na siyang tulongan! Nagdradrama lang yan para mapansin mo!"

"Aba't— s*raulo pala tong mga to e! Mukha ba akong kasing desperada niyo na ilalagay sa alanganin ang sarili ko para lang magpapansin? Okay na. Kaya kong mag-isa. Move aside." may diin sa huling salita na binitawan ko.

Tumayo ako habang inalalayan ako ni Carlyn.

Nanlilisik sa inis ang mga mata ko ngayon kay Blue. Talagang akala niya nagdradramahan lang ako dito. Bw*set.

Making that Gay fall for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon