Chapter 75
Nauna na akong maglakad.
"Pero kailangan pa rin kitang ipakilala formally sa pamilya ko ha."
Tumabi siya sakin sa paglalakad at hindi pa rin nagsasalita.
"What's wrong? Ayaw mo ba—"
"Gusto ko!" sigaw niya na ikinagulat ko.
"Aray naman, Blue. Kung makasigaw ka naman." kinulikot ko sandali ang tenga ko.
"Sorry. Ikaw kasi ginugulat mo ako lagi sa sasabihin mo." usal niya.
He clasped our hands together. Oh ano kayo? HHWW peg namin ngayon. Pero seryoso, it felt great to be with him this close. His hand's warmth. Everything about him just bring warmth to me.
"Friz?"
"Hmm?"
"It took me a while to realize my feelings for you. And sorry in advance kung may mga sablay ako sa relationship natin along the way. I'll try my best for you, for us kaya habaan mo sana ang pasensya mo sakin."
Napangiti ako sa sinabi niya at mas lalo lang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
"Flaws will always be part of loving, Blue. Kung magkakamali man tayong pareho in the future then we'll talk about it agad. Pag-usapan natin ng maayos at mahinahon. Alam kong bago lahat sayo ito. Ganun din naman sakin. First time ko ring mainlove ng todo kaya ikaw, subukan mo lang magloko kakalbuhin talaga kita." biro ko sa dulo.
He chuckled a bit.
Kasalukuyan na kaming palabas ng gate nang biglang may humintong magarang sasakyan sa harapan namin. Bumaba agad ang driver at pinagbuksan kami ng pinto.
"Woah! Pumayag ka na na may sariling driver ka na susundo sayo?!" naeexcite na sabi ko.
"Just this once until my body fully recovers."
Lumapit siya sa driver at sinenyasan ito na pwede ng bumalik sa driver seat. Sinunod naman ito ng driver at humarap na si Blue sakin.
"Get in, milady." ani niya na ikinatindig ng balahibo ko.
Gosh, his low voice will be the death of me. With those sparkling eyes staring on me. With his smile.
"Wag ganyan, Blue. Di ko pa naman nilagyan ng belt ang panty ko ngayon." I pouted.
"Oh for f*ck's sake, Friz..." natatawa at napapailing niyang sabi sakin.
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
عاطفيةOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...