"And that's you. That's your worth for me, Blue..." tukoy ko sa jackpot.
"Friz, we did it!"
Humarap siya sakin at nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. Nagtatalon siya sa tuwa kaya nakitalon na rin ako. Niyakap ko siya pabalik.
Wala akong pake sa mga taong nakatingin samin ngayon. Kung iniisip nilang nababaliw na kami ay wala rin kaming pake.
Napahinto si Blue. Ganun din ako. Agad siyang umalis sa pagkakayakap sakin.
"Ah... ang galing mo." awkward niyang sabi.
"Ang galing natin." saad ko ng nakangiti at tinaas ang kamay ko para makipag-apir sa kanya.
Akala ko ay di niya ito papansinin but then again kapag si Blue Fiel Alviesta na ang gumalaw, things happens unexpectedly. Nakipaghighfive siya sakin. Bago mabilis na tumalikod sakin at tinignan ang tickets na lumabas sa machine.
Diniritso namin sa cashier ang lahat ng tickets na naipon namin.
"Ikaw na pumili ng price." sabi ni Blue.
"Pero tickets natin tong dalawa."
"Friz, just pick one."
Isang unicorn na stuff toy ang napili ko. Kasalukuyan kaming kumakain ngayon ng shawarma. Nakaupo kami sa isang bench.
"Anong gusto mong ipangalan natin sa kanya?"
He gave me a look na para bang sinasabihan niya ako ng, 'Nababaliw ka na ba? Stuff toy papangalanan mo?"
"Bakit? Gusto ko pareho natin siyang papangalanan kasi time at effort kaya ang puhunan natin para makuha lang to."
"Friz, nabibili yan kahit saan."
"Iba to, okay?"
"D*mn, Friz. Just call him whatever you want."
Muli siyang kumagat sa pagkain niya at di ako pinansin.
"Alam ko na! His name is Arki. Kasi sa arcade siya natin napanalunan!"
"Whatever— sh*t! Kailangan ko pa palang pumunta sa men's store!" napatayo siya agad.
"Sasamahan kita!"
"No, ako lang. Bahala ka na kung saan mo gustong pumunta—"
"Sasama ako for preference! Ayaw mo non?"
"Hindi ko kailangan ng opinyon mo. Goodbye."
"Pero—"
Nauna na siyang maglakad kaya hindi na lang ako sumunod pa. Ay pero teka may naisip ako. Humanda ka sakin ngayon, Blue.
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...