Chapter 81
It's been a week after our first date. Nasundan pa yun ng ilang beses at sobrang saya namin sa lahat ng first experiences namin together. Sa sabado ko balak ipakilala si Blue sa pamilya ko. Rest day kasi yun ni mama at pareho din kaming free ni Kyrus that day.
Kasalukuyan ko namang sinusundan si Pierce na papunta sa locker niya. Oo palihim talaga baka kasi makita ako ni Blue mag-away na naman kami dahil kay Pierce.
"Pstttt!" tawag ko.
Napalingon siya sa paligid niya hanggang sa makita niya ako na nagtatago sa likod ng pinto sa isang bakanteng classroom. I signed him na lapitan ako.
"Ano bang—"
Hinila ko agad siya sa loob at nilock ang pinto.
"The f*ck, Friz?! Anong ginagawa mo? May balak kang masama sakin? Friz, hindi kita gusto—ARAY!"
Kinurot ko nga ng malakas sa pisngi. NapakaOA talaga.
"Hindi ako magkakainteres sa katawan mo at sa tiyan mong nakaumbok."
"Wow! Perfect ka eh nuh?" sarkastikong sabi niya.
"Kumalma ka nga. At saka wag kang maingay. Walang dapat makaalam na nagkita at nag-usap tayo." pabulong na sabi ko.
"Bakit ba? Nagtutulak ka ba ng dro—"
"Hindi yun, g*go! Pwedeng patapusin mo muna ako? Pwede?"
Tumalikod siya at hinila ang isang mesa saka komportableng sumandal at humarap sakin.
"Kinausap ko na si Carlyn—"
"ANO?! Friz, hindi ko sinabi yun sayo para ikwento mo sa kanya. T*ngina naman pinagkatiwalaan kita!" galit na sigaw niya.
"Sorry, Pierce. Gusto ko lang makapag-usap kayo. Please naman pumayag ka ng makipagkita kay Carlyn—"
Napatayo siya at lumapit sakin.
"Plinano niyo ba tong dalawa? Sige magsama kayo."
Nilagpasan niya ako.
"Hindi, Pierce. Sandali!"
Tuluyan na siyang lumabas sa pintuan. Sinundan ko naman siya at papunta na siya sa ground para magtraining.
"Pierce, makinig ka naman muna sakin. Walang plano, walang ganun na nangyari. Pareho ko kayong kaibigan siyempre nag-aalala lang ako. Pierce naman..."
Hindi niya ako tinatapunan ng tingin at tuloy-tuloy pa rin ang pagsunod ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...