"AHHHHHHHHHHH"
Pareho kaming napasigaw. Napatakip agad ako sa mga mata ko.
"Get out! You pervert!"
"Sorry sorry hindi ko sinasadya!"
Agad akong natarantang pinulot ang susi at lumabas. Napaupo ako sa sahig. Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko. I saw Blue naked. As in nakita ko yung ano, yung ano niya! Shet!!! Namumula na ang buong mukha ko. Bakit ba siya nakahubad?! Afdgsgshhd- p*kening sh*ts naman!
Huminga ako ng malalim. Tumayo na ako at muling kumatok sa pinto.
"What else do you want?!"
"Sorry na nga. Hindi ko yun sinasadya! Oh ito na may dala akong pagpapalitang damit mo, magbihis ka na."
Binuksan ko ng kunti ang pinto at inabot ang damit.
"Subukan mo lang sumilip, dudukotin ko talaga yang mga mata mo."
Kinuha niya agad sa kamay ko ang damit at pinagsarahan ako.
"Friztelle?"
"Bakit ba?" nilapit ko ang tenga sa pinto.
"Bakit walang boxers dito?" bulong niya na di ko marinig.
"Ha?"
"Bakit walang kasamang undergarments itong dala mo?! Stupid!" sigaw niya.
Napaatras ako ng ilang hakbang mula sa pinto sa lakas ng boses niya.
"Bakit? Nabasa ba pati yung ano mo—"
"Nevermind! Agh!"
Hinintay ko siyang matapos hanggang sa ilang minuto lang ay nakalabas na ito. Tinatabunan niya ang harapan niya gamit ang kamay niya. Pinipigilan kong matawa. He glared at me.
"Bakit mo ba kasi tinatabunan yang gitna mo?"
"It's uncomfortable. Pakiramdan ko bumabakat." bulong niya sa dulo.
Napalingon ako sa hallway,wala namang ibang tao except saming dalawa. Mukhang nasa open ground silang lahat.
"Blue, hindi naman halata. You're just making it obvious by doing that."
Nauna na akong maglakad sa hallway.
"Hey! Nakita mo ba talaga?"
"Yung alin?" nagmamaangan kong sabi habang nakasunod siya sakin.
"Yung ano... yung ano ko?"
Huminto ako sa paglalakad at nilingon siya.
"Hindi..."
Nakahinga siya ng maluwag.
"Hindi ko masyadong nakita. Bakit may balak ka bang ipakita ulit?" mapang-asar ko siyang nginitian.
"You! Napakamanyak mo talaga!"
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...
