32

50 2 0
                                    

Uwian na namin. Katulad ng ginagawa ko halos araw-araw. Nanunuod pa ako ng training ni Blue sa open ground. Nasa malayo lang ako. Hindi na ako lumapit pa dahil alam kong mainit ang ulo sakin ng mga mga babaeng umaaligid sa kanya.

Nagbreak sila saglit kaya nakita kong umupo si Blue sa damuhan habang umiinom ng tubig. Pansin kong nakamasid siya sa mga nagtratraining na soccer team sa kabilang banda. So he's already interested in someone na? Sino kaya? Bahagya siyang ngumiti ng makitang makascore si Clyde.

Uwian na. May nanalo na.

"Hoy!"

"Ay sh*tamels ka! Carlyn naman!" napahawak ako sa dibdib ko.

"Tara na. Gagang to inaantay pa talagang matapos ang training ni Blue."

"Hintayin ko na lang kayang matapos buhay ko?"

"Bruha! Anong sinasabi mo dyan? Matamlay ka ata ngayon? Hindi yan ang Friztelle na kilala ko na makita lang si Blue, fully charged na."

Inakbayan niya ako at nagsimula na kaming maglakad palabas ng university.

"Wuy... seryoso ba? Nireject ka ulit ni Blue? Anong bago dun?"

"In fairness ang galing mong magcomfort." pilosopo kong sabi.

Natawa siya ng kunti.

"Hindi nga kasi. Ano bang problema? Dali na. Sabihin mo na."

"Kilala mo si Clyde?"

"Oo, teammate siya ni Pierce sa soccer team. What about him? Don't tell me sa kanya ka na naman may gusto? Naku sinasabi ko sayo, Friz—"

"Hindi yun, gaga."

"Eh ano?"

"Feeling ko siya yung crush ni Blue—"

"ANO?!"

"Grabe ka naman makasigaw, magkatabi lang tayo baka nakalimutan mo."

"Ay sorry eh kasi ang ano mo naman kasi. Si Clyde? As in Clyde Dominguez? Crush ni—hmmm"

Agad na tinakpan ko ang bibig ni Carlyn. Kahit kailan talaga pahamak tong babaeng to e.

"Paulit-ulit? Oo nga sabi. Hinaan mo lang yung boses mo baka marinig tayo." bulong ko bago inalis ang kamay ko sa bibig niya.

"Pano nangyari yun? Tsaka pano ka nakakasiguradong crush nga siya ni Blue?" bulong niya pabalik.

"Kilala ko yung tingin sa mga mata ni Blue. Kasi ganun din ako pag pinagmamasdan ko siya sa malayo. He likes Clyde." I sighed.

Making that Gay fall for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon