"Ano bang problema mo?" kalmadong tanong ko.
"Ikaw ang problema. You're getting in my nerves! Ganito ka ba ha? Nangbibiktima ng mga lalaki at nagkataon pang nadamay ang isang baklang katulad ko?" galit na sigaw niya.
Napapikit ako sa biglaang pagsigaw niya. Buti na lang kamo at walang ibang tao sa hallway at baka pagpiestahan naman kami ng mga chismosa.
"Pwede ba? Hindi ako criminal para mangbiktima ng kahit sino. And as far as I can remember, sinabi mong lubayan kita. And now, I'm already doing what you want pero hindi mo rin gusto? Ano ba, Blue? P*t*ngina naman ang gulo mo!" sigaw ko rin pabalik sa kanya.
Ewan. Parang gusto ko na ding sumabog sa inis.
Ramdam kong medyo lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko kaya agad kung winaksi ang kamay niya.
"Wow, I'm impressed. Ang galing mo talagang umarte." he clapped his hands.
He's being sarcastic. Nagugulohan ako kung bakit bigla na lang siyang nagkakaganito.
"Sana nga, Blue... sana nga nag-iinarte lang ako dito."
A tear escaped from my eye that I quickly wiped off. Hindi ko din maintindihan kung bakit bigla na lang akong nagiging emosyonal.
He was taken a back.
"Talagang hindi ko maintindihan ang laro mo, Friz—"
"Blue, stop this. Gets ko na. Hindi ka magkakagusto sakin dahil bakla ka... Oo, alam kong may iba kang gusto kaya nirerespeto ko yun. Kaya ito nga ako ngayon di ba? Dinidistansya ko na ang sarili ko sayo. You want me out of your way? Ito na ginagawa ko. You want us to act strangers? Ito na nangyayari na." I bit my lip as I tried to stop my voice from being shaky.
"What do you mean na may gusto akong iba?"
"Blue, wag mo ng itanggi pa. Alam kong may gusto ka kay Clyde." I said straightforwardly.
His eyes widened.
"Friz, ano bang sinasabi mo— Oo, sige inaamin ko. I admired him. Akala ko pag nakagusto na ako sa lalaki ay madidistract na ako. Turns out, I was just using him para makalimutan ka!"
Pareho kaming nagulat sa sinabi niya.
"Blue, what are you—"
"Let me finish first. Friz, I find you annoying at first. Hindi ko alam kung bakit buntot ka ng buntot sakin kahit alam mo namang bakla ako at hindi ako kailanman magkakainteres sa babae. Maraming beses ko din hiniling na tuluyan ka na lang mawalan ng interes sakin para tigilan mo na ako..." he paused for a while.
"Godd*mmit." he lowly growled.
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...
