"Ang bilis mo namang sumuko, Friz..." his voice softened.
"Blue, hindi ko sinabing susukuan kita. Sino ka ba para pigilan ako sa nararamdaman ko sayo ha?!" napatakip ako sa bibig ko.
Shets. Ang t*nga mo, Friz! Ano na namang pinagsasabi mo!
Nagulat naman siya sa pagsigaw ko.
"What did you just say—"
But you know what wala na akong pake sa kung anong lalabas sa bibig ko.
"Dinidistansya ko lang ang sarili ko sayo dahil masyado akong nasaktan sa mga rejections mo!"
"Friz—"
"Blue, makinig ka. I just needed time to sort things out." napabuntong-hininga ako.
"Ahh time to sort things out? So bakit ka nakikipagtawanan kay Pierce ha?! Nakalimot ka na sakin?!" he paused na para bang nagulat sa bumulalas mula sa bibig niya.
Para naman akong nabingi sa sinabi niya. Tama ba narinig ko? Or I was being delusional once again?
"I mean—"
"Nagseselos ka ba kay Pierce?" tanong ko.
Oo na ako na ang assumera.
"A-anong selos? H-hindi ah! Sino ka ba para pagselosan?!" iniwas niya ang tingin niya sakin.
Pinipigilan kong ngumiti. So I was right, nagseselos nga siya. Sh*ta... nakakabaliw kang mahalin, Blue.
"Kunwari ka pa."
"Mas lalo ka kasing pumapangit kapag tumatawa ka kasama yung lalaking yun!" sabi niya.
I chuckled a bit. Napakawalang kwentang magpalusot. This is driving me nuts. Kanina lang ay naiyak ako tas ngayon natatawa na.
"Edi sige gugustuhin ko na lang pumangit kasama siya—" pang-aasar ko at nilagpasan siya.
"What did you— Hoy! Friz naman! That girl really— Agh! F*ck... D*mmit."
Pinipigilan kong mapangiti dahil naririnig ko ang mga pabulong at sunod-sunod na mga mura niya habang papalayo ako. Nag-eecho kasi ito sa hallway. Hindi ko siya nilingon at tuloy-tuloy lang ang lakad ko.
Napakabakla talaga nito. Di naman kayang aminin ng diritso sakin na gusto niya rin ako.
Tignan ko lang hanggang saan yang pagpipigil mo. Sakin lang talaga bagsak mo, Alviesta.
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...