Chapter 76
Hinatid na ako sa bahay ni Blue. Masaya akong pumasok sa bahay namin.
"Ay anak ka ng butiki! Nakakagulat naman kayo!"
Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat.
Si Kyrus na naglalaro ng online games sa phone niya at si mama na ang sama ng tingin sakin.
"Limot mo na agad ang pinag-usapan natin kagabi? Kakasabi ko lang na iwasan niyong gabihin." sabi ni mama.
Binaba ko agad ang mga libro at gamit ko sa mesa.
"Itong si Kyrus nakasunod naman. Bakit ikaw, Friz hindi mo kaya?"
Nilingon ko si Kyrus at dinilaan niya lang ako. Bw*set di ko namalayan ang oras.
"Sorry ma ayoko ng magsinungaling sa inyo. Talagang di ko namalayan ang oras." sagot ko at nilalaro ang mga daliri ko.
"Friz, nag-aalala lang ako. Wag niyo namang hintayin na aatakihin ako sa puso sa sobrang pag-aalala bago niyo susundin ang paalala ko—"
"Ma!/Ma naman!" sigaw naming dalawa ni Kyrus.
Ito talaga si mama kung anu-ano pang iniisip.
"Eh kaya nga sundin niyo naman ang mga bilin ko."
"Opo, sorry po." nakayuko kong sabi.
"Alright, kumain na tayo ng hapunan. Kyrus, yung mga plato."
"Sandali lang, ma—"
"Kyrus!" sigaw ni mama mula sa kusina.
"Shets mga pare kayo na bahala sa laro. Baka kainin ako ng buhay ni mama." bulong niya sa phone niya at mabilis na tumakbo sa kusina.
S*raulo talagang bata yun. Kinakausap ba naman ang phone niya. Ay shems may mic pala talaga pag on game? Nagmukha pa tuloy akong ignorante dun ah.
Pagkatapos naming maghapunan ay niligpit ko muna ang pinagkainan namin saka ako dumiritso paakyat sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...