Chapter 13
Bahagya namang yumuko si Friz para magbigay galang sa nakakatandang katulong.
"Magandang hapon po..."
"Naku ayos lang po ba kayo, ma'am? Tuloy po kayo at gagamutin ko ang sugat niyo sa loob."
Tipid na ngumiti si Friz sa katulong at maingat na inalalayan naman siya nito sa loob.
Pagkatapos ng ilang minuto tumigil na ang pagdurogo ng sugat ni Friz at napalitan na ng bagong bondage ang sugat niya.
"Tapos na po ba, manang?"
Napalingon silang dalawa sa pinanggalingan ng boses. Isang pababang prinsipe. Yan ang nasa isip ni Friztelle. Nakabihis na ito ng pangbahay at bagong ligo. Napakagwapo.
"Opo, sir Blue tapos na po."
"Okay, manang salamat. Please leave us for a while."
Yumuko ang katulong at mabilis na umalis. Tuloyan namang nakababa mula sa hagdanan si Blue at lumapit sa kinauupuan ni Friz.
"Yang bibig mo isara mo. Baka mapasukan ng langaw."
Napasara naman ng bibig si Friz. Di niya pala napansin na nakaawang na ang bibig niya habang pinagmamasdan ang kagwapuhan ni Blue. Ngayon niya lang kasi itong nakitang nakapambihis ng pangbahay at higit sa lahat ay bagong ligo.
Umupo sa harapang upuan si Blue facing where Friz is sitting as of the moment.
"Pagkatapos mong kumain, pwede ka ng umalis—"
"BLUE, HONEY—GOODNESS GRACIOUS! Who's this young lady we got here?!"
Napasapo si Blue sa noo niya. Hindi niya inaasahang mapapaaga ang pagdating ng mommy niya sa bahay nila. Mabilis itong lumapit sa kinaauupuan nila.
"Good Afternoon po." bati ni Friz rito.
Hindi ito kilala ni Friz pero pakiramdam niya ito ang nanay ni Blue. Some of it's physique ay namana ni Blue.
"Tapos ka na di ba? Alis ka na—"
"Wait, honey. Why are you pushing her away?"
"Mom, she has to leave—"
"No. Hindi pwedeng palampasin ko ito. Eija, you're the first ever person that my son brought here in our house. Ang sabi niya sakin ay bakla raw talaga siya pero hindi ako naniniwala and now, I'm seeing you here. I'm so glad—"
"Mom, stop it. She's—"
"Just a friend? I don't think so."
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...
