"Hindi mo pa naman sure. Ang issue mo naman agad."
"Halata naman e. Pansin ko na pala dati pa. Palihim na sumusulyap ng tingin si Blue kay Clyde nung minsang malapit lang ang table nito sa kanya sa cafeteria. Pansin ko rin na napapangiti siya sa bawat pagscore at pagtawa ni Clyde kasama ang mga teammates niya."
"Hindi ako makacomment sa mga observations mo. Pero baka naman kasi hindi ganun yun."
"Ewan ko..." I sighed.
"Tara na nga lang. Ikain natin yan!"
Hinila ako ni Carlyn sa isang food stall. Dito kami madalas kumakain kapag uwian na. Masarap kasi yun sauce nila saka friendly yung tindera.
"Ate, dalawang kwek-kwek, isang fishball at isang tempura. Ano sayo, Friz?"
"Sayo lang yun?"
"Oo no. Gutom ako ngayon."
Napailing na lang ako at bumili na rin ako ng para sakin. Kumain lang kami at panandaliang kinalimutan ang napag-usapan namin kanina.
Pagkatapos ng foodtrip namin ay sinundo na si Carlyn ng Papa niya. Kaya I decided na umuwi na rin ng bahay.
"Hi ma." nagmano ako kay mama.
"Himala atang maaga ka umuwi ngayon, anak?"
"Busted na naman siguro yan, ma." side comment ni Kyrus.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Akyat lang ako, ma. Matutulog muna ako saglit. Gigising lang po ako at kakain mamaya."
Umakyat na ako at agad na pumasok sa kwarto ko. Binagsak ko agad ang sarili ko sa kama.
Napaisip ako. Tama bang sumuko na lang ako kay Blue? Pero kasi may gusto siyang iba. I respect that. Pero hindi naman ganun kadaling magmove on!
"Walangya ka, Clyde! Ano naman kung gusto ka ni Blue?! Hindi ka naman nakapasok sa bahay nila! Never mo namang nameet yung mommy niya!"
Pinagsusuntok ko ang unan ko.
"Ano bang meron sa lalaking yun na wala ako? Oo, pogi siya pero maganda naman ako. Achiever siya oh eh ako passing grades naman ako no! Aghhhh"
Bw*set ang hirap naman ng karibal ko. Ang hirap lagpasan yun.
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...