2

108 7 0
                                    

Chapter 2

At first, akala ko pinagtritripan niya lang ako at nagpapanggap lang siya na bakla siya. Pero the way he sound like that, parang nasaktan din ako sa sinabi niya.

"Nga pala off-topic pero bakit hindi ka nagsusuot ng pambabaeng damit?"

"I don't like it. And besides, kahit di naman ako magsuot ng ganyan, I'm confident enough that guys would fall for me. Ako pa ba."

Kainis. Di naman ako makakontra.

"Pero seryosong usapan, hindi ka salot, Blue. Ang mga katulad nilang mapang-abuso sa kapwa ang totoong salot sa lipunan. Di bali, next time ako na ang magtatanggol sayo mula sa kanila."

"Nah wag ka ng makisali pa. Why would you even do that?"

"Kasi future girlfriend mo ako."

Nakangisi kong sabi. Nilingon niya ako at diring-diri siya sa sinabi ko. Agad siyang tumayo at pinagpagpag ang damit niya.

"Not interested. Boyfriend kailangan ko hindi girlfriend."

Tinarayan niya ako gamit ang kilay niya. Tumayo na rin ako at nag-inat ng kamay.

"Asus. Wag kang magsalita ng patapos. You'll fall for me, Blue. Not now, but soon."

Tinataas baba ko ang mga kilay ko sa kanya. Napailing na lang siya.

"Hindi ako maiinlove sayo, Friz kahit pa-"

Hinila ko ang kwelyo niya palapit sakin.

"Kahit gawin ko to?"

Ilang dangkal na lang ang lapit ng mga labi namin sa isa't isa. Mabilis na tinanggal niya ang kamay ko sa kwelyo niya.

"Aray!"

Pinitik niya ang noo ko.

"Oo, wala yang epekto sakin at nasusuka ako sa pinaggagawa mo. Salamat sa paggamot mo sa sugat ko but stop your st*pid fantasy on me."

Tumalikod na siya sakin at nagsimulang maglakad paalis.

"Kahit ako manligaw sayo?"

"Oo."

"Kahit lumuhod ako dito ngayon?"

"Oo."

"Mahal mo ko?"

"O- what?!"

Napaharap siya sakin kaya ngumiti ako ng malapad.

"Okay."

Tumalikod na ako at masayang naglakad sa kabilang direksyon.

"La la la la~"

"Hey! I didn't say anything!"

Making that Gay fall for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon