Chapter 63
Kaming dalawa na lang ni Blue ang natira sa loob ng room. Sobrang awkward ang nararamdaman ko. Si tita Sally kasi eh.
"Friz—"
"Blue—"
Ayan na magkasabay pa kaming nagsalita. Blue chuckled a bit.
"Sige, ikaw na mauna." Blue said.
"Sorry sa nangyari kanina ha. Dapat kasi di ka na nadamay pa."
Hindi ko kayang tumingin ng diritso sa mga mata niya. Masyado akong takot na makita kung anong magiging reaksyon niya.
"I understand your anger towards that guy because of what happened but it shouldn't be like that, Friz. Ayokong bahiran mo ng dugo ang mga kamay mo para sakin o kahit kanino. Hindi ganun ang pagkakakilala ko sa isang Fristelle Santillan. Naiintindihan mo ba?" mahabang litanya ni Blue.
"I'm sorry. I know my limitations, Blue. Pinalaki ako ng mga magulang ko na hindi dapat ginagamit ang lakas ko kahit kanino just because nakakalamang ako dun. But... the moment I saw that guy celebrating in happiness when you're already coughing blood, parang sumabog ang kakarampot na pasensya at awa ko para sa kanila." napayuko ako as I've realized how badly wrong I am this time.
"Friz, look at me."
Hindi ko ginawa ang sinabi niya. I stayed silent while I keep on wiping my tears off.
"Friz, come on."
Hinila niya ako palapit kaya napaupo ako sa hospital bed katabi niya.
He raised my chin up. And just like that our eyes met. My eyes are still in a blurry state pero agad na pinahid ni Blue ang mga luha kong nagbabadya pang pumatak.
"I'm not mad at you, 'kay? Mas galit ako sa sarili ko dahil hindi kita kayang protektahan katulad ng ginagawa mo para sakin. It's frustrating."
"Hindi mo ako kailangang protektahan! Sabi ko naman sayo di ba? Ako ang magtatanggol sayo mula sa mapangabusong tao katulad nila. Hindi mo pwedeng gawing shield ang katawan mo para sakin! Pano ka na lang magtretraining ngayon ha?! Pano yung pagtakbo mo?! Inisip mo ba yun Blue ha?!" garalgal na sigaw ko sa kanya at mas lalo lang lumakas ang pag-iyak ko.
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
Lãng mạnOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...